in

Permesso di soggiorno UE per lungo soggiornanti, kailan pinawawalang-bisa? 

Permesso di soggiorno UE per lungo soggiornanti, mga dapat malaman sa pag-aaplay

Ang permesso di soggiorno UE per lungo soggiornanti ay maaaring bawiin o pawalang-bisa dahil sa mga sumusunod na dahilan:

  • Panlilinlang o sinasadyang pagbibigay ng mga mali, hindi totoo at pekeng impormasyon upang maisyuhan ng nasabing dokumento;
  • Pagiging isang panganib o banta ng dayuhan sa public security;
  • 12 magkakasunod na buwan sa labas ng Italya;
  • Expulsion;
  • Kakulangang gawin ang aggiornamento ng nasabing dokumento. 

Gaano katagal maaaring manatili sa labas ng bansang Italya ang may permesso di soggiorno UE per lungo soggiornanti? 

Ang mga dayuhang may permesso di soggiorno UE per lungo soggiornanti na lumabas ng bansang Italya ay maaaring manatili sa labas ng bansa sa loob ng maximum na 12 magkakasunod na buwan.

Sakaling magtatagal sa labas ng Italya, ang dayuhan ay nanganganib na bawian at pawalang-bisa ang permesso di soggiorno UE per lungo soggiornanti.

Maaari bang mag-aplay ulit ng permesso di soggiorno UE per lungo soggiornanti sakaling pawalang-bisa ito? 

Sakaling bawiin o pawalang-bisa ang permesso di soggiorno UE per lungo soggiornanti, ito ay maaari ulit i-aplay makalipas ang tatlong (3) taon. 

Samantala, maaaring mag-aplay ng ibang uri ng permesso di soggiorno sa pagkakaroon ng angkop na mga requirements, tulad ng coesione familiare. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Decreto Flussi: Ano ang mangyayari matapos maipadala ang aplikasyon? 

Ricongiungimento Familiare at Coesione Familiare, ano ang pagkakaiba?