Tulad ng lahat ng mga administrative process, kahit ang aplikasyon para sa nulla osta ng decreto flussi, ay kailangang may malinaw na probisyon mula sa karampatang Prefecture sakaling ito ay rejected. Samakatwid, ipagbibigay-alam ito sa aplikante sa pamamagitan ng isang komunikasyon.
Gayunpaman, ang desisyon na tanggihan o i-reject ang aplikasyon ay dapat may unang abiso, ang atto di preavviso ex art. 10 bis, L. 241/1990, kung saan inaabisuhan ang aplikante sa pagkakaroon ng mga hadlang para aprubahan ang aplikasyon ng nulla osta.
Partikular, sa kaso ng ‘decreto flussi’, ito ay maaaring kakulangan ng requirements o iba pang dahilan kung saan ang Labor Inspectorate o ang Police Headquarters ay nagpahayag ng negatibong opinyon.
Sa ganitong mga kaso, ang Sportello Unico Immigrazione ng Prefecture ay magpapadala ng unang abiso ukol sa pagtanggi sa email address na iniwan sa aplikasyon. May deadline na 10 araw ang aplikante upang tumugon o maglakip ng kakulangang requrement.
Para aprubahan ang aplikasyon, ang aplikante ay kailangang ipadala esklusibo ang tugon o anumang dokumentasyon sa pamamagitan ng pec o certified electronic email na nakasaad sa komunikasyon. At ang Prefecture ay kailangang isaalang-alang muna ito bago magpasyang tuluyang tanggihan ang aplikasyon.
Gayunpaman, tulad ng nasasaad sa angkop na page ng Ministry of Interior, ang comunicazione di preavviso at atto definitivo ay makikita sa ALI Services Portal, gamit ang SPID. (Atty. Federica Merlo)