Mula noong Linggo October 1 ay matatagpuan sa buong Italya ang tinatawag na ‘carrello tricolare’. Ito ay isang inisyatiba ng gobyerno Meloni na may layuning makapagbigay sa mga pamilya ng mga pangunahing produkto tulad ng pagkain sa mababa at parehong halaga sa panahon ng implasyon at malalang krisis sa eknomiya.
Ang “carrello tricolore” ay isang “anti-inflation agreement” sa pagitan ng gobyerno at ng 32 production, commercial, distribution at consumers associations na hangaring makapagbigay sa loob ng tatlong buwan, mula October 1 hanggang December 31, ng mga kontroladong presyo ng mga prime necessities tulad ng pasta, karne, tomato sauce, asukal, gatas, itlog, kanin, asin, harina, cereal, kasama pati na rin ang mga produktong pang-bata, tulad ng diapers, at mga hygiene products.
Ayon sa mga eksperto, isang average na €150,00 ang matitipid sa gastusin ng bawat pamilya.
Ang mga produktong may kontroladong presyo ay mayroong sticker o bollino tricolore.
Kabilang sa listahan ang maraming retail shops, pharmacies at mga parapharmacies. Tinatayang aabot naman sa higit 25k ang mga supermarkets at groceries stores na kasama sa inisyatiba ng gobyerno.