Ipinapaalala na bago simulan ang proseso ng aplikasyon ng nulla osta o work permit sa lahat ng sektor ng Decreto Flussi 2023, maliban sa seasonal job, ang employer ay kailangang gawin ang verification sa Centro per l’Impiego ukol sa kawalan ng available na workers sa Italya, tulad ng nasasaad sa page 24 ng Ministerial decree.
Verification sa Centro per l’Impiego
Ang employer na interesado sa pagkuha ng mga dayuhang manggagawa na naninirahan sa ibang bansa ay dapat alamin muna kung mayroong available worker sa Italya, sa pamamagitan ng Centro per l’Impiego o CPI. Ang verification na ito ay kailangang gawin bago mag-aplay ng nulla osta al lavoro.
Upang ma-verify ang pagkakaroon ng mga workers sa Italya, dapat sagutan ng employer ang isang form. Ito ay ang “Richiesta di personale per la verifica di indisponibilità di lavoratori presenti sul territorio nazionale”.
Asseverazione
Bukod dito, ay kailangan din ang pagkakaroon ng Asseverazione. Ito ay isang form na ilalakip sa aplikasyon ng nulla osta na naglalaman ng mga sumusunod na impormasyon:
- Job description;
- Salary;
- Duration ng employment contract;
- Accomodation;
- Anumang social contribution na babayaran ng employer.
Bukod dito, ang Asseverazione ay may lakip na kopya ng contratto di lavoro at kopya ng idoneità alloggitiva. Ang dokumentong ito ay mahalaga para sa dayuhan sa pagre-request ng permesso di lavoro dahil ito ay nagpapatunay na ang employer ay nakatutugon sa hinihingi ng batas at nangangakong patuloy na susunod sa regulasyon ukol sa seguridad at sa kaayusan ng sitwasyon ng worker.
Matapos ang magawa ng employer ang verification sa Centro per l’Impiego at masigurado ang pagkakaroon ng sapat na mga requirements na patutunayan sa pamamagitan ng Asseverazione, ay maaaring simulan ang paghahanda ng angkop na aplikasyon para sa nulla osta.
Basahin din:
- Mga dapat malaman ukol sa Decreto Flussi 2023-2025
- Application forms ng Decreto Flussi 2023, available na!
- Decreto Flussi 2023: Salary Requirement sa Family care sector