Mandatory ang questionnaire para sa mga aplikante ng italian citizenship. Ito ay binubuo ng 20 tanong na tumutukoy sa iba’t ibang tema. Kabilang dito ang kaalaman sa wikang italyano, kaalaman sa kasaysayan at kultura ng Italya, kaalaman sa Saligang Batas ng Italya at kaalaman sa mga karapatan at obligasyon ng mga mamamayan. Layunin nito ang alamin ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman ukol sa Italya at sa mga democratic values na pinahahalagahan ng mga Italyano.
Ang questionnaire ay inilunsad noong 2021 sa layuning gawing mas mahigpit ang proseso ng pagaaplay ng Italian citizenship. Ito ay ginawa ng Ministry of Interior sa pakikipagtulungan ng Ministry of Education, University at Research.
Ang questionnaire ay maaring i-download sa website ng Prefecture. Ito ay kailangang sagutan at ang mga sagot ay kailangang hand written, malinaw at direct to the point. Tandaan na ang mga sagot ay susuriin ng isang Committee na maaaring tanggihan ang aplikasyon. Kaya’t siguraduhin na ang mga sagot ay tama at sa wikang italyano gagawin. Ang mga sagot ay dapat i-upload sa website ng Ministry of Interior bago mag-submit ng aplikasyon para sa Italian citizenship.
Ang questionnaire ay hindi kailangan para sa italian citizenship application for marriage.
Narito ang mga katanungan:
- Da quanto tempo vive in Italia?
- Coma mai ha scelto l’Italia quale luogo di vita e dei suoi interessi?
- Quali sono i motivi che la spingono a chiedere la cittadinanza?
- Come è composta la sua famiglia?
- I suoi familiari vivono in Italia con lei? Se vivono altrove, perché?
- Quali sono le attività lavorative che ha svolto da quando è in Italia?
- Qual è il suo lavoro attuale?
- Il suo coniuge lavora?
- Qual è il percorso scolastico dei suoi figli?
- Se non sono più in età scolare, i suoi figli lavorano?
- Quali sono i suoi mezzi di sostentamento?
- Ha sempre adempiuto agli obblighi fiscali?
- Ha mai usufruito di benefici statali connessi alla perdita del lavoro?
- Ha una casa in affitto o in proprietà?
- Come ha imparato la lingua italiana? Ha frequentato corsi?
- Partecipa ad associazioni o segue attività nel suo quartiere/Comune di residenza?
- Conosce la struttura politica ed amministrativa dell’Italia?
- Conosce la Costituzione italiana nei suoi principi generali? E le leggi italiane?
- Ritiene di rispettare le regole di convivenza civile dell’ordinamento italiano?
- Ha mai commesso fatti penalmente rilevanti o tenuto comportamenti scorretti o pericolosi per la comunità nazionale?
I-download ang questionnaire para sa Italian Citizenship
Basahin din:
- Italian citizenship ng mga ipinanganak sa Italya, narito kung paano
- Nag-aplay ng Italian citizenship, bibigyan din ba ng Italian citizenship ang mga anak?
Para sa karagdagang balita: Renewal ng Permesso di Soggiorno 2024, narito kung paano