in

Hindi nakapasok sa Flussi 2023, narito kung paano isa-submit ang parehong aplikasyon sa Flussi 2024

Ang Impelementing rules ng Decreto flussi 2024 na nasasaad sa Joint Circular ng Oct 27, 2023 at pirmado ng Italian Ministries of Interior, Labor and Social Politics, Agriculture, Tourism at Foreign Affairs, ay muling binigyang-diin ang ilang mahahalagang bagay

Partikular, ang Circular ay nagbibigay ng instruction at ilang karagdagang paglilinaw. Nililinaw ng circular na sa kasong ang aplikasyon para sa nulla osta ay unang nai-submit para sa Decreto flussi 2023 at hindi nakapasok dahil sa wala ng availability sa bilang, ang parehong aplikasyon ay maaaring i-submit ng employer lakip ang lahat ng dokumentasyon sa nalalapit na click day ng Flussi 2024.

Samakatwid, nananatiling balido at hindi na kailangang i-renew ang mga sumusunod na dokumentasyon:

  • non availability certificate mula sa Centro per l’Impiego ng mga workers na nasa Italya (sa kundisyon na hindi nagbago ang trabaho at ang profile ng trabahong kailan);
  • Asseverazione, na ibinigay alinsunod sa art. 24-bis T.U.I. (sa kundisyon na ang dami ng aplikasyon na isinumite ng parehong employer ay pareho).

Kaugna nito, natito ang maikling gabay ang kung paano gagawin ang pagsa-submit ng parehong aplikasyon.

  1. Mag-log in gamit ang SPID o CIE sa website https://portaleservizi.dlci.interno.it/AliSportello/ali/home.htm
  2. I-click ang ‘Sportello Unico Immigrazione’
  3. I-click ang ‘Ricerca domanda’
  4. I-click ang ‘Clona’ icon (malapit sa aplikasyong ipapadala ulit) upang mabuksan ulit ang aplikasyon
  5. Awtomatiko itong kokopyahin ng sistema sa bagong aplikasyon

Basahin din:

Required documents, narito kung paano makakarating sa Sportello Unico

Bukod dito ay tinukoy din ang pagbibigay ng posibilidad na mai-submit ang mga dokumento na hindi pa available sa panahon ng pagsagot sa application form. Sa ganitong mga kaso, ang mga dokumentasyong kinakailangan ay hihingin ng Sportello Unico sa pamamagitan ng address na tinukoy ng employer sa application, sa section ‘Recapiti’.

Ang aplikante ay sasagot direkta mula sa Area Riservata’ sa ALI website at doon ilalakip ang mga kinakailangang dokumentasyon. Hindi kakailanganin ang magsubmit ng mga paper documents at hindi rin kakailanganin ang ipadala ang mga ito sa pamamgitan ng email o pec.

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 4.5]

Application forms ng Decreto Flussi 2024, available na!

Decreto Flussi: Ano ang mga susunod na hakbang na dapat gawin sa Pilipinas matapos matanggap ang ‘nulla osta al lavoro’?