in

Run Rome The Marathon, ang paghahanda ng Filipino Community sa Roma 

Sa March 17 ay gaganapin muli sa Roma ang pinakahihintay na 29th edition ng ‘Acea Run Rome the Marathon’. 
Ngayong taon, tinatayang maraming mga Pinoy ang tatakbo sa Run Rome the Marathon 24 kms, Run4Rome Relay at 5kms Fun Run.

Thanksgiving Mass

At bilang paghahanda sa mga nabanggit na sports activities, isang Thanksgiving mass ang ginanap noong nakaraang Linggo sa San Bernardo Church Rome sa pangunguna ni Rev. Fr. Bonifacio Lopez
Ayon kay Fr. Bony, ang sports ay mahalaga sa tao, para sa malusog na pisikal na katawan, nakakatulong sa maayos na pag-iisip at nakakatanggal ng stress, katulad ng pagdarasal na mahalaga sa spiritwal naman na pamumuhay. 

Ang nabanggit na thanksgiving mass ay inorganisa ni Alona Cochon, ang masipag na sports organizer sa Roma sa pakikipagtulungan ng CFL Filipino Community. Nakiisa din mula sa Philippine Embassy sina Ms Celine Lopez, Chief Cultural Officer (and her family) at si Mr Rey Sambitan, ang Supervisor Consular Section. 

Bago tuluyang magtapos ang misa, binendisyunan ni Fr. Boni ang mga athletes kasabay ang panalangin para sa isang mapayapa, malusog at matagumpay na Marathon. 

Kasabay ng Thanksgiving mass ay ginanap din ang Roma Ostia Half Marathon. Sa katunayan, ang ilan sa mga atleta ay humabol mula sa Fun Run. Isa na dito si Salvacion Pataw, 53 anyos na hindi inalintana ang hirap ng pagpapa-practice at kahit naka-live in ay regular ang pag-eensayo. 

Run Rome The Marathon

Mahigit sa 40K ang mga nagpatalang Italians at foreigners mula sa 100 countries ang tatakbo sa Run Rome The Marathon, Run4Rome Relay at Fun Run. Kasama sa bilang na ito, inaasahang dadating din sa Roma ang daan-daang mga Pilipino mula sa iba’t ibang bahagi ng Italya at mula sa buong mundo kasama ang mga tanyag na pangalan sa larangan ng sports.

Sa March 16, isang araw bago ang Marathon ay ipakikilala sa Palazzo dei Congressi ang mga top runners at pacers o mga tinaguriang guardian angels dahil sa kanilang mabigat na responsabilidad sa araw ng marathon. Ito ay dahil sa kanilang kakayahan, kalidad at pagsusumikap na tulungan ang atleta na makarating sa finish line. Ang mga pacers ay may malawak at malalim na karanasan sa mga pangunahing maratona sa buong mundo.

Anim na tanyag na Filipino pacers ang dadating para sa Rome Maratona. Sila ay sina Mike Gonda at Rolando Espina mula Ireland at ang Santa Teresa Family mula NY, USA na sina Cathleen Santa Teresa Minick, Kara Santa Teresa, Jeanette Santa Teresa (mother) & JC Santa Teresa (father).

Sa araw ng Linggo, March 17, tatahakin ng mga marathoners ang 42.195 kms ng mga historical, archeological at architectonical sites sa Roma na kabilang sa pinkamaganda at pinaka hinahangaan sa buong mundo.

Siguradong matatanaw na winawagayway ang bandilang Pilipino dahil sa ating mga Pinoy marathoners na mula sa iba’t ibang sports groups sa buong mundo na tatakbo simula sa Colosseo, San Paolo, Piramide, Lungotevere, Prati at San Pietro, Foro Italico, Flaminio, Villaggio Olimpico at magtatapos sa Fori Imperiali.

Ang mga participating Pinoy Sports Group ay ang mga sumusunod: 

  1. AV Valuwe 
  2. EPIC – Endurance Phil Ireland Cub 
  3. G.S. Maiano 
  4. Hellgate Road Runner 
  5. Italia Marathon Club 
  6. Filipino Runners and Bikers Rome 
  7. LBM Sports 
  8. Pinoy Runners Abu Dhabi 
  9. Pinoy Runners Belfast 
  10. Pinoy Runners London 
  11. Pinoy Runners Milan 
  12. Pinoy Runners USA 
  13. PPP – Pinoy Pagong Padyakero 
  14. PSI- PADYAK Society Ireland 
  15. PURI – Pilipino Ultra Runners Italy

Hindi rin magpapahuli ang publikong mag-aabang at magche-cheer pampa-good vibes sa ating mga athletes. Muli sa taong ito, para sa Filipino Cheer station ay magpapakitang-gilas ang Pinoy Teens Salinlahi, ang grupo ng mga kabataang Pilipino na ipinanganak sa Italya na nagsusulong ng kultural Pilipino dito sa host country. 

Samantala, para sa mga gustong mag-enjoy at makita ang ganda ng eternal city of Rome, ay mayroon ding 5kms Fun Run. Ito ay magsisimula ng 9am mula sa Fori Imperiali at magtatapos sa Circo Massimo. Bukas ito sa lahat, no medical certificate needed. Sa Fun Run ang lahat ay pinapayagan sumali! 

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Credit Card: Mga dapat alamin sa wastong paggamit nito

ISEE Ako Ay Pilipino

ISEE Corrente 2024, bakit ito mahalaga?