in

New Highway Code sa Italya: Narito ang mga dapat malaman

Inaasahang maaprubahan bukas, March 19 sa first reading sa Chamber of Deputies ang reporma sa Highway Code na inanusyo ni Minister of Infrastructure Matteo Salvini, matapos aprubahan ng Montecitorio ang unang 16 na artikulo ng panukalang batas noong nakaraang March 13. Ito ay itataas sa Senado pagkatapos. Gayunpaman, kailangan pa ring maghintay para sa pagpapatupad nito.

New Highway Code sa Italya: Narito ang nilalaman ng panukalang batas

Cellphones at Dangerous Driving

Nasasaad sa panukalang batas ang pagkumpiska sa driver’s license o ang tinatawag na ritiro patente, mula 15 araw hanggang dalawang buwan at isang multa na aabot hanggang €1,697, para sa sinumang mahuhuli na gumagamit o hawak ang cellphones sa pagmamaneho. Sa mga repeat offender, tataas ang multa hanggang €2,588, at maaaring humantong hanggang sa tatlong buwan ang nasabing suspensyon sa pagmamaneho. Bukod dito ay magkakaroon din ng bawas points mula 8 hanggang 10 puntos. Ang lisensya ay isususpinde rin sa mga mahuhuling salungat sa traffic direction o contromano at sa mga beating the red light offenders.

Driving control at Fines

Sa bagong panukalang batas ay nasasaad din ang posibilidad ng paggamit ng mga remote devices para multahan ang mga hindi magbibigay ng priority sa mga pedestrians at cyclists, ang mga nagpapark sa mga lugar na nakalaan para sa mga public vehicles, pulisya, bumbero, rescuers, electric vehicles at loading-unloading zones. Tinanggap rin ang mungkahing itaas ang multa sa ilang mga sitwasyon, tulad ng pagtigil sa mga parking space para sa PWD (ang multa ay mula €330 hanggang €990) at sa mga lane o bus stop (multa mula €165 hanggang €660).

Speeding

Batay sa mungkahi ng mga mayors, itataas din ang multa hanggang sa €1,084 para sa lalabag sa speed limit. Suspensyon mula 15 hanggang 30 araw sa sinumang lalabag ng dalawang beses sa loob ng isang taon.

Drunk Driving

Ang mga nahatulan na ng drunk driving at muling mahuhuli na may alcohol level sa pagitan ng 0.5 hanggang 1.5 ay dapat sumunod sa bagong limitasyon na 0 level at kailangang mag-renew ng lisensya at muling sumailalim sa medical check. Ang parusa para sa pagmamaneho ng lasing ay tumaas ng one third at ipinagbabawal sa kanila na magmaneho nang hindi naglalagay ng alcolock sa kanilang sasakyan, ito ay ang aparato na nagpipigil na mag-start ng sasakyan sa kasong mas mataas sa 0 ang alcohol level.

Drugged Driving

Sapat na ang magresultang positibo sa drug test ay agad pawawalang-bisa ang driver’s license at sususpendihin ito ng tatlong taon.

Bikes at E-scooters

Upang bigyan ng higpit na proteksyon ang mga siklista: bukod sa dadagdagan ang mga bike lane, ay kinakailangang panatilihin ang isang metro at kalahati na distansya kapag nag-overtake sa bisikleta. Samantala, para sa mga gumagamit ng monopattino ay gagawing mandatory ang pagkakaroon ng plate number, helmet at insurance. Para sa mga lalabag, ang multa ay mula €100 hanggang €400. Kinakailangan din ang pagkakaroon ng mga yurn signals, break lights at multa mula €200 hanggang €800 sa mga hindi susunod. Authomatic lock naman para sa mga monopattino sa sharing sakaling lumampas sa mga designated area.

Ztl at Speed Cameras

Ang panukalang batas ay magbibigay din ng mas mahigpit na mga patakaran para sa mga Ztl area, safety regulations for railway level crossing, mas mahigpit na mga patakaran para sa No Parking, at anti-fraud para sa mga autovelox, na hindi dapat mailagay sa mga estratehikong punto lamang “upang kumita”, tulad ng bigay-diin ni Minister Salvini.

New Drivers

Mas mahigpit na mga bagong patakaran din para sa mga new drivers. Para sa mga bagong lisensyado, ang pagbabawal sa pagmamaneho ng supercar ay magiging tatlong taon mula sa dating isang taon, habang ang mga menor de edad na mahuhuli na nagmamaneho na lasing o lango sa droga ay hindi maaaring magkaroon ng driver’s license hanggang 24 yrs old.

Education

Nakapaloob din sa panukalang batas ang isang education program para sa mga kabataan, na naglalaman ng bonus ng dalawang puntos para sa mga kabataang mag-aatend ng mga road safety courses.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ISEE Ako Ay Pilipino

ISEE Corrente 2024, bakit ito mahalaga? 

Talentong Pilipino sa Italya, isinusulong ni Dandy