in

Decreto Flussi 2024: Higit 690,000 aplikasyon para sa nakalaang bilang na 151,000

Umabot na sa higit 690,000 ang mga aplikasyon mula sa mga employers mula sa nakaraang click days, o ang submission ng mga application para sa Decreto Flussi 2024 para sa pag-eempleyo at pagta-trabaho sa Italya ng mga non-EU workers. Ang datos ay mula sa press release ng Ministry of Interior.

Alas 9:00 ng umaga ng March 18, 21 at 25 nang nagsimula ang tatlong araw ng click days ng Decreto Flussi 2024, kung saan napapaloob ang pagpasok sa Italya ng mga non-EU workers. Ang inilaang bilang o quota ay 151,000. Ang mga aplikasyon ay maaaring isumite hanggang sa December 31, 2024“.

Sa kasalukuyan, umabot na sa higit 690,000 ang mga aplikasyon na natanggap ng Ministry of Interior.
Partikular noong March 18, 5 minutos makalipas ang simula ng unang click day para sa aplikasyon ng nulla osta per lavoro subordinato non stagionale, ay umabot sa 49,734 ang mga application forms. Sa kasalukuyan, ang mga aplikasyon ay umabot na sa 243,883.
Alas 9:05 ng ikalawang araw ng click day, March 21, kung kailan ang submission ng aplikasyon ng nulla osta per lavoro domestico at samakatwid colf at caregivers, umabot na sa 49,228 ang mga aplikasyon. Sa ngayon, may 112,440 ang bilang ng mga application forms na natanggap para sa sektor.
Samantala, noong March 25, sa ganap na 9:05 ng umaga, ang mg aplikasyon para sa nulla osta per lavoro subordinato stagionale ay umabot na sa bilang na 77,688. Sa kasalukuyan, umabot na sa 332,724 ang mga aplikasyon.

Ang kabuuang bilang na higit sa 690,000 ay natanggap nang tama ng platform ng Ministry of Interior. Sinisimulan na rin ang distribusyon ng mga aplikasyon sa provincial level.

Ang mga aplikasyon ay susuriin batay sa chronological order sa pagtanggap ng mga ito at batay sa limitasyon ng itinalagang bilang” paalala ng Ministry of Interior.  

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 4]

ISEE, paano malalaman kung naipadala para sa bonus bollette 2024? 

Germany seeks filipino nurses to address healthcare staff shortage