in

Bonus Gita Scolastica 2024, aplikasyon hanggang May 31

Simula 8:00am ng March 27 hanggang 5pm ng May 31, ay muling binuksan ang submission ng mga application para sa Bonus Gita Scolastica 2024 o field trip bonus 2024. Ito ay nagkakahalaga ng €150 bilang tulong sa mga pamilya ng mga mag-aaral sa High School na may ISEE hanggang €15,000.

Matatandaang unang inanunsyo ng Italian Ministry of Education and Merit (MIM) ang aplikasyon ng bonus gita scolastica simula Jan 15 hanggang Feb 15, para sa mga pamilya na may ISEE hanggang €5000. Noong March 13, isang panibagong anunsyo mula sa Ministry ang nagbubukas muli nang mas pinalawak pang bonus gita scolastica para sa mga pamilya na  may ISEE hanggang €15,000

Ano ang Bonus Gita Scolastica 2024? 

Ang Bonus Gita Scolastica 2024 ay isang tulong pinansyal na ibinibigay sa anyo ng diskwento sa mga educational trips. Ito ay ibinibigay ng Ministry of Education and Merits (MIM). Ang bonus, na may maximum na halaga na €150, para sa mga pamilya na may mga anak na nag-aaral sa High School ng mga pampublikong paaralan. Ito ay discount sa viaggi scolastici na nagtatagal nang higit sa isang araw at sa mga gita scolastica nang isang araw lamang.  

Ang gobyerno ng Italya ay naglaan ng € 50M sa layuning pagaanin ang gastusin sa educational field trips, na nakakatulong sa pagpapalawak sa kaalaman ng mga estudyante, kahit ng mga pamilyang may suliraning pinansyal.

Sino ang makakatanggap ng Bonus Gita Scolastica 2024?

Ano ang mga requirements upang matanggap ang bonus gita scolastica 2024? Ang mga field trip bonus ay inilaan para sa mga pamilya na may mga anak na naka-enroll sa public High School: Liceo at Superiore.

Partikular, may karapatan hanggang sa €150 para sa mga estudyante na nagmumula sa mga pamilya na may ISEE hanggang €15,000. Ang mga pamilya na may higit sa isang dependent na anak o ‘a carico’ na makakatugon sa requirement ay maaaring mag-submit ng aplikasyon para sa bawat anak na nais sumama sa viaggi d’istruzione. 

Paano gagawin ang aplikasyon ng Bonus Gita Scolastica 2024?

Ang bonus gita scolastica 2024 ay hindi awtomatiko at kailangang magsumite ng aplikasyon para sa bawat anak. Ang bonus ay direktang i-aaplay sa halaga ng viaggio d’sitruzione na inorganisa ng mga paaralan. 

Ang Ministry of Education ay nagtalaga ng mga hakbang: 
Phase A. Ang mga pamilya ay gagawın ang aplikasyon online, sa link ng UNICA, sa pagkakaroon ng balidong DSU, mula Jan 15 hanggang Feb 15. Binuksan muli ang aplikasyon mula March 27 hanggang May 31. Pagkatapos ay susuriin ng INPS ang ISEE at ang pamilya ay makakatanggap ng komunikasyon kung positibo o negatibo ang resulta ng aplikasyon. 
Phase B. Ang Paaralan, sa pamamagitan ng SIDI, ay makikita ang fund allocation para sa Paaralan, ang listahan ng mga beneficiaries at ang halaga ng bonus o discount. 
Phase C. Ang Paaralan ay mag-oorganisa ng viaggi di istruzione.
Phase D. Kung nai-organisa na ang mga viaggi di istruzione, ay ibibgay ang refund sa mga pamilya at isasaalang-alang ang halaga ng bonus o discount. 

Ang bonus 2024 ay maaaring i-aplay hanggang May 31, 2024 sa pamamagitan ng platform ng Unica, sa pamamagitan ng online application. 

Tulad ng paglilinaw sa bagong anunsyo ng MIM, ang sinumang nakapag-submit ng aplikasyon noong January-February ay hindi na kailangang mag-submit ulit ng aplikasyon. 

Ipinapaalala na ang mga aplikasyon ay susuriin batay sa chronological order ng submission nito.

Tandaan na para mai-submit ang aplikasyon, ang mga Paaralan sa pamamagitan ng mga Segreterie, ay dapat simulan ng proseso ng pagkilala sa mga beneficiaries. 

Pagkatapos, ang mga pamilya ay gagawin ang aplikasyon at mag-access sa platform ng Unica: ‘Famiglia e studenti‘ sa section ‘Servizi‘, pagkatapos ay ‘Sezione Agevolazione‘, ‘Viaggi di Istruzione’.

Pagkatapos lamang ng mga nabanggit sisimulan ng INPS ang pagsusuri. Pagkatapos ng pagsusuri, ang pamilya ng mag-aaral ay makakatanggap ng resulta ng aplikasyon sa pamamagitan ng Unica. Dito rin matatanggap ng pamilya ang anumang update ukol sa aplikasyon. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Foreign entrepreneurship in Italy: a pillar of growing economy

Bagong Carta Dedicata a Te 2024, kailan matatanggap?