Noong June 9, 2024, sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa Roma ay pinarangalan ang mga natatanging kabataang Pilipino sa kanilang kahusayan at kontribusyon sa iba’t ibang larangan.
Ang mga pinarangalang kabataan ay kinilala sa kanilang natatanging tagumpay sa edukasyon, sining, sports, at pampublikong serbisyo.
Ang mga kabataang pinarangalan ay sina:
- Aira Dominique Gutierrez – Bachelor of Political Economy – Università Roma Sapienza & Master in Macroeconomics and Finance – Université de Liège, Belgium
- Aira Alexia Gutierrez – Master’s Degree in International Relations – Università di Siena
- Melisse Angela Abucay – B.S. in Nursing – Università di Roma Sapienza. Interpreter in hospitals, ASLs, and health facilities in Rome
- Abegail Bueno Magsino – B.S. in Communication, Technology, and Digital Culture – Università di Roma Sapienza. National Coordinator of EDIW (Education for an Interdependent World) and Volunteer at the Community of Sant’Egidio
- Athea Morla Alcantara – Bachelor’s Degree in Computer Science – Università di Roma Sapienza
- Nicole Andrea Garcia – B.S. in Chemistry – Università di Roma Sapienza
- Darylle Ivan Garcia – Bachelor’s Degree in Industrial Design – University of Art Rome
- Ariel Magsombol – Bachelor’s Degree in Economics and Management – Università di Roma Tre
- Marie Claire Casapao – Bachelor’s Degree in Design Technology – MAIANI Accademia Moda
- Matt Josue Magmanlac Adem – Bachelor’s Degree in Economics and Management – Università di Roma Tre
- Jheconias Hernandze Aclan – Bachelor’s Degree in Languages for Intercultural Communication – Università di Roma Sapienza
- Romulo Emmanuel ‘Re’ Salvador – Bachelor’s Degree in Cultural Heritage & Graduate in Cinematography. Currently a Netflix scriptwriter
- Alex Kurt Gunda – Best Volleyball Coach
- Team ROMA– Inter-Europe Champion Volleyball Tournament.
- Jhodelle Mallari Chavez – Champion in Artistic Gymnastics (Napoli)
- Keith Portugal – World of Dance Italy K-Pop Division Champion & Crowd Favorite
- Danielle Casimiro – First Filipino Dancer in San Remo Festival
- Comrads TKD – Multi-Awarded Taekwondo Team
- Pinoy Teens Salinlahi – Cultural Dance Group in Rome
- Hermes Dance Crew – World of Dance Italy Special Awardee, Ready to Rumble Champion, and OFW Got Talent 2024 Champion
Sa mensahe ni Sir Augusto Cruz, binigyang-diin ng PIDA Adviser at KOR Deputy Commander for Italy, ang kahalagahan ng pagdiriwang ng Kalayaan at ang papel ng mga kabataang Pilipino sa pagtataguyod sa magandang imahe ng mga kabataang Pilipino sa host country at sa buong mundo.
At sa pamamagitan ng inisyatibang ito, hinihikayat niya ang mga kabataan na ipagpatuloy ang kanilang mga adhikain at maging inspirasyon sa iba pang kabataan, hindi lamang sa Italya kundi pati na rin sa buong mundo.
Ang parangal na ito ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng Philippine Independence Day Association (PIDA) at Knights of Rizal (KOR) at ng buong Filipino Community sa Italya na kilalanin at suportahan ang mga natatanging talento at kontribusyon ng mga kabataang Pilipino sa iba’t ibang larangan. Sa pamamagitan ng ganitong mga pagkilala, naipapakita ang galing at potensyal ng mga kabataang Pilipino na magtagumpay saanman sila naroroon.