Isang napakagandang araw ng pagdiriwang sa pamamagitan ng sports ang naganap sa South Italy bilang paggunita sa ika-126 taon ng Kalayaan ng Pilipinas. Sa pamumuno ng mga grupo mula sa pederasyon at isang brotherhood sa Reggio Calabria, naging matagumpay at makulay ang selebrasyon na pinangunahan FASSCASI sa pamumuno ni Pres. Carmen Perez, FASSCURAI sa pamumuno ni Pres. Romy Lafuente, at ng TRISKELION REGGIO CALABRIA CHAPTER sa pamumuno nina GT Danilo Pascual at DGT Ivan Suelila .
Dumalo rin ang Honorary Consulate ng Calabria at Messina na sina Hon. Francesco Mortelitti at ang kanyang maybahay na si Avv. Rossana Carullo, na nagbigay ng karangalan sa pagdiriwang. Pati na rin si Chairman Absalon-bobby Tubojan ng Cosenza.
Matapos ang maikling programa, sinundan ito ng isang buong araw ng kampeonato ng Basketball at Volleyball. Nagkaroon ng apat na koponan sa basketball: ang team Reggio Calabria ni Yujin Gele, Ilocano team ni Mark Francis Magtibay, isang team mula sa Siracusa Sicily ni Edison Layacan, at isang team ng Italiano na binuo ng mga Carabinieri at Judges ng Calabria na nais makipaglaro sa mga Pilipino.
Sa larangan ng Volleyball, nagtagisan ng galing ang Batangas team ni Anna Silang at Halu-halo team ni Mary Ann Rebudal. Sa huli, nagwagi ang Reggio Calabria team sa Basketball habang pumangalawa ang Ilocano team. Sa Volleyball naman, nag-champion ang Batangas team.
Ang buong araw na programa ay nagsimula alas-9 ng umaga at nagtapos alas-6 ng hapon, ngunit ang saya at bonding ay umabot hanggang alas-10 ng gabi. Isang malaking pasasalamat sa lahat ng sumuporta at nakiisa sa programa, partikular sa mga sponsors na sina Monte Villanueva & Lucila Sorza, Vodka Girls, Forza Filippine, Lawrence Renchie Inovejas, Maddy Pascual, Leonor Tangcangco, Pres. Miriam Macabeo, Asiatic Store-Reggio Calabria, Johanna Noveras, AFUS Salerno, Ernie Penson, Lucy Silang Castillo, Rowie Echavez, Edel’s Flowers, Communita Cattolica Filippina, Mark Francis Magtibay, Leah Acar, Mary Ann Ronquillo, Jojo Barangas, Robert Flores, Khriz Dimayacyac, Lala Masculino, Mr & Mrs. Lem Cinco, at Shirlee Castor.
Pasasalamat din kay Sir Gregorio Abarintos ng KOR Reggio Calabria, Pres. Mary Ann Abarintos ng Las Damas, Pres. Jojo Barangas ng Guardians, Pres. Leanne Aban ng GEMPPA, Pres. Elvie Dimayacyac ng Forza Filippine, Pres. Angelo Minissale ng MSP mula Messina Sicily, at sa lahat ng miyembro ng Ilocano na dumalo, mga Siklistang Pinoy RC, at mga miyembro at hindi miyembro ng iba’t ibang asosasyon.
Isang espesyal na pasasalamat din sa emcee mula umpisa hanggang matapos na si Vio Loyola, sa mga nag referee, at kay ex GT Yujin Gele.
“Walang sawang pasasalamat sa lahat ng suporta at lahat ng tulong,” ani ng mga organizers. Tunay nga, ang diwa ng pagkakaisa at bayanihan ay nagningning sa espesyal na araw na ito. Mabuhay ang Pilipinas! (Carmen Perez)