in

Rejected ang Aplikasyon para sa Italian Citizenship, bakit? Aaprubahan pa ba ito, paano?

Ang aplikasyon para sa Italian citizenship ay maaaring tanggihan o i-reject dahil sa tatlong pangunahing dahilan.

Sa lahat ng tatlong mga kaso, ang dayuhang aplikante ay makakatanggap ng komunikasyon, ang ‘lettera di diniego’ o ‘preavviso di rigetto’, kung saan ipinagbibigay-alam sa aplikante na ang aplikasyon ay tinanggihan o rejected. Sa puntong ito, mayroong sampung (10) araw ang aplikante upang makapaghain ng apela.

Narito ang mga dahilan kung bakit nare-reject ang aplikasyon para sa Italian citizenship.

  • Penal/crime case sa nakaraan;
  • Kakulangan o anomalya sa taon ng required years of residency;
  • Kakulangan sa required salary.

Dahil dito, ang komunikasyong nabanggit ay napakahalaga. Tulad ng karaniwang tinutukoy sa liham, ang aplikante ay binibigyan ng palugit o panahon hanggang 10 araw upang ilakip sa aplikasyon ang kulang na dokumento o depensa bilang pagtatanggol para tuluyang aprubahan ang aplikasyon.

Aplikasyon ng Italian citizenship, aaprubahan ba sa kabila ng pagkakaroon ng ‘preavviso di rigetto’?

Maraming dayuhan ang nag-aalala na ang pagtanggap ng ‘preavviso di rigetto’ ay patunay na tuluyang rejected ang aplikasyon. Lingid sa kaalaman ng marami, may posibilidad pa ring matanggap ang aplikasyon at aprubahan ang italian citizenship kahit pa nakatanggap ng nabanggit na komunikasyon.

Narito ang mga posibilidad:

  • Tanggihan ang ‘preavviso di rigetto’ sa pamamagitan ng written opposition, lakip ang angkop na mga dokumentasyon;
  • Magprisinta ng apela sa TAR o Regional Administrative Court, sa tulong ng isang abugado.

Ang written opposition laban sa ‘preavviso di diniego’ ay kadalasang nakakaiwas sa pangangailangan ng pag-apela sa TAR. Dahil kadalasang tumatanggap ang administrasyon ng mga paliwanag at dokumento sa kahilingan ng dayuhan. Nangangahulugang makakatipid ng panahon at salapi dahil ang apela sa TAR ay kilalang mabagal at mas magastos.

Mahalagang tandaan na kahit hindi obligatory, mas makakabuting tumugon sa tulong ng isang abugado, sa lalong madaling panahon na magpapahintulot sa Administrasyon na tapusin ang proseso makalipas ang 10 araw mula sa araw ng komunikasyon.

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 5]

€10,000 – €30,000, Ibibigay sa sinumang lilipat sa Tuscany Region! Totoo ba o fake news?

Caregiver at Badante, May Pagkakaiba ba?