in

Ora Solare, nalalapit na!

Ang pagbabalik ng ora solare ngayong taon ay nalalapit na! Kailan nga ba muling magpapalit ng oras?

Sa pagdating ng Autumn, unti-unting napapalitan ang mainit at maaraw, nang maulan at malamig na mga araw. Hudyat na nagpapaalam na ang Summer! Bukod dito ay nalalapit na ang pagpapalit ng oras mula ora legale sa ora solare o winter time

Ang pagbabalik ng ora solare ay nakatakda sa October 27, sa ganap na alas 3:00 ng madaling araw ng Linggo.

Ora solare, atras o abante ng isang oras?

Atras ba o abante ng isang oras? Bagaman ito ay ginagawa taun-taong, nananatiling katanungan ito ng marami tuwing sasapit ang Autumn season.

Sa ganap na 3:00 ng madaling sa Linggo, Oct 27  ay ibabalik paatras ng isang oras. Samakatwid, mula 3:00 ay gagawing 2:00 am ulit ang mga orasan. ito ay magbibigay-daan upang “madagdagan” ng isang oras ang ating tulog. Ang pagbabagong ito ay mananatili hanggang sa March 30, 2025 sa muling pagbabalik ng ora legale.  

Ora solare: Ano nga ba ang epekto ng pagbabago ng oras?

Ang pagbabalik ng ora solare ay may dalang ilang mga pagbabago, lalo na pagdating sa sikat ng araw. Ang mga araw ay tila mas umiikli, dahil mas maaga nang dumidilim sa gabi. Sa katunayan, ang sunset o paglubog ng araw ay nagaganap ng bandang alas 4 ng hapon. Ngunit magiging mas maliwanag naman ang mga umaga. At habang papalapit ang solstisyo ng taglamig, patuloy na iigsi ang bilang ng oras ng liwanag ng araw hanggang sa buwan ng Disyembre. Ito ay isang mahalagang pagbabago na nagdudulot din ng epekto sa marami at nangangailangan ng bahagyang ‘adjustment’ sa mga kinagawian sa araw-araw, tulad ng oras ng gising, kain at iba pa. 

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 5]

Decreto Flussi, baguhin! Click Day, tanggalin!

Mas simple at mas malinaw na proseso ng Decreto Flussi, aprubado!