in

Bonus Natale 2024: Ano ito? Sino at paano ito matatanggap?

Ngayong 2024 naging mainit na usapin ang Bonus Natale na nagkakahalaga ng €100 para sa mga workers sa Italya.

Ang bonus na ito ay isang tulong pinansyal mula sa gobyerno ni Meloni na layong suportahan ang mga manggagawa sa panahon ng Kapaskuhan, panahon ng taon na karaniwang mataas ang mga gastusin ng mga pamilya. Makakatulong ito upang magkaroon ng dagdag budget ang mga manggagawa at mas magaan nilang harapin ang mga bayarin at gastusin sa Pasko.

Ang bonus na ito ay matatanggap kasabay ng tredicesima sa Disyembre. Bagaman €100 lamang, ito ay isang konkretong tulong para sa mga manggagawa.

Sino ang makakatanggap ng Bonus Natale 2024?

Ang Bonus Natale ay nakalaan sa mga workers na pasok sa salary requirement nito, partikular hindi dapat lumampas sa yearly salary na €28,000. Ibig sabihin, ang mga workers na may yearly salary hanggang € 28,000 ay makakatanggap ng € 100 bilang karagdagan sa kanilang tredicesima.

Narito ang mga workers na kwalipikado para sa bonus:

  • Workers sa pribadong at pampublikong sektor;
  • Hindi hiwalay sa asawa at may isa o higit na anak na parehong ‘a carico’ o atleast isang anak na ‘a carico’;
  • Mga part-timer at mga may temporary employment contract kung makakatugon sa minimum salary requirement na €8,500.

Paano mag-aplay ng Bonus Natale 2024

Habang hinihintay pa ang mga karagdagang detalye mula sa isang circular ng Agenzia delle Entrate, ang mga workers ay pinapayuhang bantayan kung kailangan ang simula ng pagsusumite ng aplikasyon sa kanilang mga employer upang matanggap ang bonus.

Kailan at paano tatanggapin ang Bonus Natale

Ang €100 na Bonus Natale ay matatanggap sa December 2024, kasabay ng tredicesima o 13th month pay. Direktang ilalagay ito sa busta paga, kaya’t walang ibang kailangang gawin maliban sa tiyakin ang pagiging kwalipikado.

Sa nakaraan tinawag na Bonus Befana ang dapat na matatanggap ng mga workers simula Enero 2025, pero ngayong taon, salamat sa inisyatiba ng gobyerno ni Meloni, ginawa itong Bonus Natale para matanggap sa December 2024 upang mapakinabangan ng mga manggagawa bago ang magPasko.

Click to rate this post!
[Total: 10 Average: 4.5]

Mas simple at mas malinaw na proseso ng Decreto Flussi, aprubado!

Decreto Flussi: Narito ang mga Pangunahing Pagbabago