in

Decreto Flussi: Narito ang mga Pangunahing Pagbabago

Inilathala kamakailan sa Official Gazzette ang Decreto Legge n. 145/2024, matapos aprubahan ng Konseho ng mga Ministro noong October 2, 2024 ang mga susog sa TUI o Testo Unico sull’Immigrazione.

Nahahati ito sa apat na bahagi:

  • Mga pagbabago sa regulasyon ng pagpasok ng mga foreign workers sa Italya;
  • Mga probisyon ukol sa proteksyon ng mga dayuhang manggagawa na biktima ng mga krimen na nasasaad sa mga artikulo 600, 601, 602, 603-bis ng penal code;
  • Mga probisyon laban sa lavoro nero o ilegal na trabaho;
  • Mga probisyon ukol sa pamamahala ng migratory flows at international protection.

Ang mga pangunahing nilalaman ng DL 145/2024 ay naunang inanunsyo sa isang press release sa Palazzo Chigi matapos ang Konseho ng mga Ministro.

Basahin din: Mas simple at mas malinaw na proseso ng Decreto Flussi, aprubado!

Narito ang mga pangunahing pagbabago sa Decreto Flussi

  1. Petsa ng Precompilation ng mga aplikasyon at Click Days

Pangunahing elemento ng Decreto Flussi 2025 ay ang precompilation ng mga aplikasyon na mayroong dalawang petsa:

  1. November 1 hanggang November 30, 2024 – Sa petsang nabanggit ang mga employers at mga organisasyon ng mga employers ay maaaring gawin ang precompilation ng mga angkop na aplikasyon sa website ng Ministry of Interior.
  2. July 1 hanggang July 31, 2025 – Ito ang ikalawang bahagi ng precompilation para sa mga papasok sa bansa hanggang bago ang October 1, 2025.

Ang click days ng Decreto Flussi 2025 para sa seasonal job, non-seasonal job at conversion ng mga permesso di soggiorno

  1. Agriculture sector – simula 9:00 am ng February 12, 2025
  2. Tourism & Accomodation – ang 70% ng itinalagang bilang ay magsisimula ng 9:00 am ng February 12, 2025, habang ang natitirang 30% ay 9:00 am ng October 1, 2025
  3. Family and Social-healthcare support sector – Magsisimula ng 9:00 am ng February 7, 2025.

2. Dagdag na bilang para sa ilang sektor

Ang inaprubahang DL ay nagtalaga ng dagdag na bilang sa mga papasok sa bansang dayuhang manggagawa. Itinaas sa bilang na 110,000 ang quota mula 93.550. May kabuuang 47,000 sa halip na 45,000 ang quota sa Agriculture at ginawang 37,000 mula sa 32,000 ang quota sa Tourism & Accommodation sector

3. Family and social-healthcare support sector

Isang mahalagang pagbabago sa sektor sa taong 2025 ay ang pagkakaroon ng experimental program na magpapahintulot sa pagpasok ng mga foreign workers na fuori quota o labas sa bilang ng decreto flussi.
May nakalaang hanggang 10,000 aplikasyon sa mga caregivers ng mga PWDs at mga matatanda. Ang mga aplikasyon para sa nulla osta al lavoro para sa sektor na ito ay gagawin ng mga Agenzie per Lavoro (APL) at mga accredited employer association, tulad ng nasasaad sa CCNL per lavoro domestico.

4. Pagpapadala ng aplikasyon at Verification ng mga ito

Ang mga aplikasyon ng nulla osta al lavoro ay maaaring ipadala online sa pamamagitan ng website ng Ministry of Interior. Ang mga private employers ay maaaring makapag-padala hanggang 3 aplikasyon lamang habang ang mga organisasyon ng mga employers at authorized agency ay walang limitasyon sa bilang ng aplikasyon na maaaring ipadala.
Bukod dito, nasasaad sa DL na ang mga agenzie per lavoro at mga asosasyon ng mga employers ay kailangang ilakip ang mga necessary documents na magpapatunay sa legitimacy ng aplikasyon.

Nasasaad din sa DL ang higit na pagsusuri o verification sa mga aplikasyon upang matiyak na tunay ang mga impormasyon na ibinigay ng employer sa panahon ng precompiliation at click day.
Ang Ispettorato Nazionale del Lavoro, Agenzia delle Entrate at ang AGEA (para sa agriculture sector) ay magsasagawa ng mga pagsusuri upang masigurado na ang nilalaman ng aplikasyon ay angkop sa nasasaad sa CCNL.
Sa loob ng 12 buwan ng trabaho, ang mga workers ay maaaring magpalit ng employer sa pagkakaroon lamang ng preliminary authorization mula sa Ispettorato di Lavoro locale.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bonus Natale 2024: Ano ito? Sino at paano ito matatanggap?

Bonus Natale, paano matatanggap ng mga colf at caregivers?