in

Decreto Flussi 2025: Mga Dapat Gawin ng Employer bago ang Click Days

Naglabas kamakailan ng isang joint circular ang mga Ministries of Interior, Labor and Social Policies, Agriculture, Food Sovereignty, and Forestry, at Tourism na naglalaman ng operational guidelines para sa taong 2025 para sa pagpasok sa Italya ng mga foreign workers, batay sa mga pagbabagong ipinatupad sa ilalim ng DL 145/2024. Dito ay nasasaad ang mga dapat gawin ng mga employers bago ang itinakdang Click days – Precompilation ng mga application at ang Verification sa Centro per l’Impiego.

Basahin din:

Para sa taong 2025, pinahintulutan ng Decretyo Flussi ang 70,720 entries para sa non-seasonal subordinated job, 730 entries para sa self-employment, at 110,000 entries para sa seasonal subordinated job. Mula November 1-30, ay maaaring gawin ang precompilation ng mga aplikasyon para sa nulla osta sa ALI Services Portal ng Ministry of Interior. Ang parehong portal ay gagamitin para sa pagsusumite ng mga aplikasyon, sa mga itinakdang click days, February 5, 7, at 12, batay sa uri ng mga manggagawa.

Ang access sa ALI Services Portal, sa precompilation at submission ng mga application ay kakailanganin ang digital identity, ang SPID o CIE. Ang mga employer ay kailangan ding magkaroon ng PEC o registered email address bilang digital domicile para sa lahat ng mga komunikasyon na may kinalaman sa aplikasyon.

Gayunpaman, ipinapaalala sa mga employers na nais na mag-hire ng foreign workers para sa non-seasonal subordinate job ay kailangang i-verify muna ang unavailability ng mga workers sa Italya sa pamamagitan ng request sa Employment Center o Centro per l’Impiego.
Ang verification ay itinuturing na negatibo kung ang Centro per l’Impiego ay hindi magbibigay ng availability ng mga workers sa Italya sa loob ng walong (8) araw mula sa request ng verification.

Lakip din ng joint circular ang application form para sa Centro per l’Impiego at ang self certification form sa kasong walang tugon mula sa Centro per l’Impiego, kung hindi angkop ang ipinadalang manggagawa, o hindi sumulpot ang worker sa naka-schedule na interview.

Basahin din:

Source: Ministry of Interior

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Mula sa Pag-rollback ng Halaga ng mga Pasaporte Hanggang sa Paglabas ng Dekreto, Tinalakay ng OFW Watch at PCG Milan