Inilathala ng Agenzia delle Entrate ang Circolare n. 22/2024 na nagbibigay-linaw sa Bonus Natale na nagkakahalaga ng €100. Kasunod ng pagpapalawig ng mga benepisyaryo sa pamamagitan ng DL 167/2024, mas marami na ngayon ang maaaring makatanggap ng nasabing bonus, partikular ang mga worker na may anak na dependent.
Sino ang makakatanggap ng Bonus Natale?
Sa ilalim ng mga bagong regulasyon, ang bonus ay maaaring matanggap ng mga worker na may anak na dependent, kahit ang mga anak ay:
- Ipinanganak sa labas ng kasal ngunit kinikilalang anak;
- Adopted o ampon, o nasa ilalim ng kustodiya.
Samakatwid, ang pangunahing requirement ay ang pagkakaroon ng anak na dependent.
Hindi na requirement ang pagkakaroon ng asawang dependent o bahagi ng isang single-parent family na itinakda noong una.
Ayon pa sa rebisyon, ang bonus ay para sa mga workers sa private o public sector, full-time man o part-time, kahit ano pa ang kalagayan sa buhay—kasal, hiwalay o diborsyado. Gayunpaman, ayon sa batas hindi maaaring matanggap ang bonus kung ang asawa hindi legally separated o live-in partner, ay tatanggap din ng nabanggit na benepisyo.
Requirements para matanggap ang Bonus Natale
- Income Requirement : Ang worker ay kailangang may kabuuang taunang kita sa 2024 na hindi lalampas sa €28,000 (artikulo 2-bis, talata 1, letra a, ng Decreto Omnibus).
- Dependent na Anak: Ang worker ay kailangang may kahit isang anak na dependent ayon sa batas, kabilang ang mga adopted o nasa kustodiya (artikulo 2-bis, talata 1, letra b, ng Decreto Omnibus). Ayon pa sa Circular, ang mga anak ay itinuturing na hindi fiscally dependent kung sila ay may edad na 24 anyos pababa at may gross income na hanggang €4,000 (bago bawasan ang mga deductible expenses). Samantala, ang mga anak na higit sa 24 taon ay itinuturing na fiscally dependent kung ang kanilang kita ay hindi lalampas sa €2,840.51.
- Tax Capacity o Capienza Fiscale : Ang manggagawa ay kailangang may sapat na buwis na binabayaran upang matanggap ang bonus. Kailangang ang taunang buwis mula sa sahod ay mas mataas kaysa sa mga detrazioni fiscali o tax deductions na ibinibigay sa ilalim ng articolo 13, talata 1, ng TUIR.
Samakatwid, ang limitasyon sa kita at ang kinakailangang sapat na buwis ay nanatiling hindi nagbago kahit matapos ang mga ginawang rebisyon.
Ang bonus na ito ay awtomatikong maidaragdag sa tredicesima o Christmas bonus na tinatanggap ng mga workers, kaya mahalagang tiyakin na ang mga kundisyong nabanggit ay natutugunan.
Paano Mag-apply ng Bonus Natale?
Upang matanggap ang bonus, kinakailangang mag-submit ang worker ng Autocertificazione sa employer na nagpapatunay na natutugunan ang mga requirement sa income at family status na itinakda ng batas. Dapat ding ideklara na ang asawa, na hindi legally separated, o ang live-in partner, ay hindi tatanggap ng parehong bonus.
Bukod dito binanggait din sa bagong Circolar na ang mga workers na nakapag-submit na ng aplikasyon sa kanilang employer ay hindi na kailangang mag-submit ulit ng bagong autocertificazione, maliban na lamang kung, batay sa mga bagong alituntunin, ay kinakailangang ipaalam ang codice fiscale ng live-in partner at ideklarang hindi ito tatanggap ng bonus.