in

Kundisyon ng Santo Padre, nananatiling kritikal. Buong mundo, nananalangin para sa kanyang paggaling

Patuloy na nasa kritikal na kondisyon si Pope Francis sa ika-labingisang araw niya sa Gemelli Hospital, ayon sa pinakahuling ulat mula sa Vatican ngayong araw, February 24, 2025.

Matatandaang siya ay na-confine noong nakaraang February 14, dahil sa bronchitis na nauwi sa double pneumonia. Nakaranas siya ng respiratory crisis noong nakaraang Sabado, kung kaya’t isinailalim siya sa high-flow oxygen therapy. At sinalinan din ng dugo upang mapataas ang antas ng kanyang hemoglobin. Sa kanyang blood analysis kagabi, ay nakitaan naman ng mild renal insufficiency, na ayon sa Vatican ay under control.

Sa kabila ng kanyang kalagayan, nananatiling conscious ang Santo Papa at patuloy na tumutugon sa mga gamutan.

Sa kabila ng lungkot at pangamba, nangingibabaw ang diwa ng pananampalataya at pag-asa. Patuloy na ipinagdarasal ng milyon-milyong Katoliko sa buong mundo ang kanyang paggaling.

Samantala, makikitang nakahanay sa labas ng Gemelli Hospital ang mga kandila, bulaklak, mga drawings, at balloons bilang pagpapakita ng panalangin, pag-asa, at suporta kay Pope Francis. Mga alay na sumasalamin sa malalim na pagmamahal at paggalang sa Santo Padre, na kasalukuyang nasa kritikal na kundsiyon ospital.

Bukod sa mga dumagsa sa ospital upang mag-alay ng taimtim na panalangin, may ilan ding nagpahayag ng kanilang damdamin tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng Santo Papa. Marami ang nag-iwan ng mga sulat na puno ng mensahe ng pag-asa at pagpapalakas ng loob, habang ang iba naman ay tahimik na nananalangin, taimtim na umaasa sa kanyang agarang paggaling. Ang bawat isa ay may sariling paraan ng pagpapakita ng malasakit, ngunit ang lahat ay nagkakaisa sa isang layunin—ang iparamdam sa Santo Padre na hindi siya nag-iisa sa laban na ito.

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

“Come la Notte” sa Berlin Film Festival 2025, Tampok ang mga Overseas Filipinos mula sa Roma