in

Mga kabataang Filipino-Italian, Rumampa sa 7th International Fashion Festival sa Milan Fashion Week

Sa ika-7 edisyon ng International Fashion Festival sa Milan Fashion Week Edition 2025, labing-isang Filipino-Italian mula sa Roma at isang mula Milan ang nagpakitang-gilas sa runway. Ipinagmalaki ng mga kabataang ito ang kanilang natatanging talento sa mundo ng fashion, sabay ipinakita ang galing at kagandahang Pilipino sa isang makulay at makabuluhang presentasyon ng moda.

Ginaganap ang prestihiyosong fashion event sa Enterprise Hotel Milan, sa pangunguna ni Rosario Stagno, ang founder ng Best Model of Europe, na kalaunan ay naging Best Model of Universe. Ang taunang beauty competition na ito ay isang kilalang patimpalak sa Italya, habang ang Grand Finals naman ay idinaraos sa Iloret de Mar, Spain. May iba’t ibang kategorya sa kompetisyon, kabilang ang Kids, Teens, Models, Lady and Gentlemen, at Over Lady and Gentlemen. Ang bawat isa sa mga ito ay naglalayong hubugin ang talento, kumpiyansa, at disiplina ng mga kalahok, kabilang ang mga Pilipino sa Italya.

Bukod sa pagpapakita ng galing sa pagrampa, ang nasabing event ay isang malaking oportunidad para sa mga kalahok upang makilala sa industriya ng fashion at modeling. Ilan sa kanila ay nagkaroon ng pagkakataong makipag-network sa mga fashion designers, photographers, at talent scouts sa larangan ng fashion.

Samantala, sina Maribeth Flandez Itchon at Jerlene Brosas ang nagsisilbing Philippine coordinators ng nasabing kumpetisyon. Sa pamamagitan ng kanilang pagsisikap, mas maraming kabataang Filipino-Italian ang nabibigyan ng pagkakataon na maipakita ang kanilang husay sa runway at mapabilang sa mga prestihiyosong fashion competitions sa Europa.

Ang matagumpay na pagsali ng mga Filipino-Italian sa International Fashion Festival ay patunay ng kanilang dedikasyon at pagsusumikap na ipagmalaki hindi lamang ang kanilang talento kundi pati na rin ang kanilang pinagmulan. Isang hakbang ito tungo sa mas malawak na oportunidad sa larangan ng international fashion industry.

Ang mga Filipino-Italian young models ay sina:

  1. Chanel Itchon – The Best Model of Europe 2016 Regional and international Kids Grand winner, The Best Model of Universe Model Ambassador;
  2.  Cyrene Jillian Botobara – The Best Model of Europe 2023 Model Category National Grand Winner, 4th place Photo Model International 2023;
  3. Alexia Blas Satina – The Best Model of Europe Teens National Grand Winner 2023, 2nd place Photo model, Cat Walk 2nd place;
  4. Rey Vincent Delos Santos – The Best Model of Europe 2023 National 3rd place (Model category), King of Europe
  5. Karylle Francesca Venzon – The Best Model of Europe 2023, 5th place Kid International, Miss Elegance kids;
  6. Maria Stella Basco – The Best Model of Europe/Universe 2024, Miss Glamour Kids
  7. Kris Zandrea Basco – The Best Model of Europe/Universe 2024, Miss Asian Beauty (Teens);
  8. Sharylyn Kate Gallardo – The Best Model of Europe/Universe 2024 Miss Glamour (Teens);
  9. Francesco Atienza – The Best Model of Europe/Universe 2024 (Kids) Prince of Europe
  10. Chloe Atienza – The Best Model of Europe/Universe 2024 (Kids), 3rd place International Photo Model, Ambassador Swarovski
  11. Princess Chantal Atienza – The Best Model of Europe/Universe 2024, Star of Universe, Asian Beauty;
  12. Gabriele Coloma – The Best Model of Europe 2018 National and International Grand Winner (Teens)

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 5]

Registerd Overseas Voter ka ba? Handa ka na ba sa Online Voting?