in

April 26: Funeral Mass ni Pope Francis at Paglilibing sa Basilica of St. Mary Major

Bukas, Sabado, Abril 26, 2025, ay isasagawa ang funeral Mass ni Pope Francis sa St. Peter’s Square sa Vatican City. Pangungunahan ito ni Cardinal Giovanni Battista Re, Dean ng College of Cardinals. Ito ay inaasahang dadaluhan ng humigit-kumulang 200,000 katao, kabilang ang mga world leaders at delegation mula sa 170 bansa.

Matapos ang misa, ihahatid ang labi ni Pope Francis sa Basilica of St. Mary Major sa Roma para sa kanyang huling hantungan. Ito ay isang makasaysayang desisyon, dahil siya ang unang papa sa mahigit isang siglo na inilibing sa labas ng Vatican.

Ang kanyang libingan ay isang simpleng niche na gawa sa Ligurian marble, na may inskripsyong “Franciscus” at replika ng kanyang pectoral cross. Matatagpuan ito sa pagitan ng Pauline Chapel at Sforza Chapel, malapit sa altar ni St. Francis.

Sasalubungin ang labi ni Pope Francis sa Basilica of St. Mary Major ng 40 katao at bawat isa ay may dalang puting bulaklak – mahihirap, walang tirahan, mga bilanggo, mga transgender, at mga migrante upang magbigay ng huling paalam lalong higit ang makapagbigay pasasalamat sa isang Papa na, para sa marami sa kanila, ay naging isang tunay na “ama.

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

250,000 katao, Nagbigay-Pugay kay Pope Francis sa St. Peter’s Basilica

Libing ni Pope Francis: Funeral Procession Mula St. Peter’s Patungong St. Mary Major Maggiore