Pito ang mga rehiyon ng Italya ang minarkahang high risk o red zone sa updated map ng European Center for Disease Prevention and Control o ECDC ngayong araw, Sept. 2, 2021.
Ang sitwasyon ng pagkalat ng Covid19 ay sinusukat ng ECDC batay sa rate ng mga kaso ng positibo sa 14 na araw sa bawat 100 libong mga residente, kasama ang positivity rate sa mga isinagawang Covid test. Ito ay nagsisilbing sanggunian ng mga State Members ng EU para sa anumang desisyon ng restriksyon sa pagbibiyahe.
Sa updated map kumpirmadong high risk zone ang pitong rehiyon ng Italya. Ito ay ang Toscana, Marche, Lazio, Basilicata, Calabria, Sicilia at Sardegna.
Matatandaang noong nakaraang linggo ay pitong rehiyon din ang red zone na naitala ng ECDC. Ngunit sa linggong ito, ang rehiyon ng Campania ay bumalik sa orange zone o moderate risk at pinalitan naman ng rehiyon ng Lazio. Ang mga rehiyon ng Abruzzo, Campania, Emilia Romagna, Friuli Venezia Giulia, , Liguria, Lombardia, Piemonte, Puglia, Trentino Alto- Adige, Umbria, Valle d’Aosta, Veneto at kasama ang rehiyon ng Molise na noong nakaraang linggo ay green zone.
Samantala, nananatiling very high risk o dark red zone ang South France, kasama ang Corsica, ang North Ireland at ang mga islands ng Greece tulad ng Creta. Ang Spain naman ay red zone. (PGA)