Magkakaroon ng pagbabago sa klasipikasyon ng mga Rehiyon batay sa kulay simula sa Linggo, January 17, 2021.
Ang mga bagong ordinansa na pinirmahan ni Health Minister Roberto Speranza ay nagtataglay ng bagong klasipikasyon ng mga Rehiyon sa bansa.
Ito ay ayon sa mga datos at indikasyon ng Cabina di Regia. Ito ay ang ahensya na nagtatalaga ng mga plano at aksyon. At sinisigurado ang pagiging epektibo ng mga ito upang maabot ang inaasahang mga resulta.
Ang bagong ordinansa ay may bisa simula sa araw ng linggo, January 17, 2021.
Narito ang klasipikasyon ng mga Rehiyon batay sa kulay simula Jan 17.
Tatlong (3) rehiyon sa zona rossa, labingdalawa (12) na rehiyon sa zona arancione at anim (6) naman sa zona gialla.
- Zona Rossa – Lombardia, Bolzano at Sicilia.
- Zona Arancione – Abruzzo, Emilia-Romagna, Lazio, Liguria, Piemonte, Puglia, Calabria, Umbria, Valle d’Aosta, Veneto, Friuli V.G. at Marche
- Zona Gialla – Campania, Sardegna, Basilicata, Toscana, Provincia Autonoma di Trento at Molise. (PGA)