in

Anu-anong bansa sa Europa ang may mataas na bilang ng kaso ng Omicron variant?

Covid19 sa Europa

Naitala ang karagdagang kaso ng 441 sa Europa ng Omicron variant nitong nakaraang Dec 13 at 14. Ang kabuuang bilang ngayon ay 2,127 kaso sa 25 bansa sa Europa, kabilang ang Italya, kung saan naitala ang 27 mga kaso. Ito ang updated datas mula sa European Center for Disease Prevention and Control o ECDC.

Ayon sa datos ng ECDC, ang unang bansa sa Europa sa bilang ng bagong variant ay ang Denmark, kung saan naitala ang 268 cases. Ayon sa kalkulasyon ng mga eksperto, sa pagtatapos umano ng linggong ito ay mahihigitan ng Omicro ang Delta variant at aabot ng 50% hanggang Linggo at 97% hanggang bago mag Pasko.

Sumunod ang Norway, na may 179 cases.  Ayon kay premier Jonas Gahr Store, Malala umano ang sitwasyon dahil sa mabilis na pagkalat nito. Aniya, kinakailangang malimitahan ang danyos nito. 

Sinundan ito ng France na may 103 cases. Gayunpaman, ang Paris ay nag-anunsyon na walang intensyong magpatupad ng karagdagang paghihigpit sa nalalapit na Kapaskuhan. 

Ang Germany ay nagtala ng 101 cases. 

Sumunod ang Belgium na may 73 cases, Netherlands 62 cases, Sweden na nagtala ng 51 cases. Ang Spain at Portugal naman ay parehong may 49 cases. Sa Italy ay 27 ang kumpirmadong kaso ng Omicron variant. 

Samantala, dalawang bagong bansa ang idinagdag sa listahan kung saan may Omicron variant, ang Luxembourg, 1 kaso at Hungary, 2. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Magpadala ng Pagmamahal sa pamilya

Limang taong gulang, ang unang batang binakunahan kontra Covid19 sa Italya