Simula September 1, 2020, ang access sa pagpapadala ng aplikasyon online ng italian citizenship ay esklusibong sa pamamagitan lamang ng SPID o Sistema Pubblico d’Identità Digitale sa website ng Ministry of Interior.
Ang SPID ID ay tumutukoy sa digital ID o iisang username at password na magpapahintulot sa access sa anumang online service ng Public Administration.
Matapos magkaroon ng SPID sa pamamagitan ng napiling provider, ang aplikante ay maaaring magkaroon ng access sa website ng Ministry sa pamamagitan ng link “Entra con SPID” at dito ay makikita ang mga online serives nito.
Para naman makita ang estado ng aplikasyon na naipadala na, ang aplikante ay kailangang piliin ang isa sa mga sumusunod:
- “Associa Pratica inviata online” upang ma-recover ang aplikasyon na isinumite online;
- “Primo accesso alla domanda cartacea” para sa mga unang access online ng mga aplikasyon na isinumite online.
Para sa mga nagsumite ng aplikasyon ng italian citizneship gamit ang lumang pamamaraan o sa pamamagitan ng email address, sa unang access gamit ang SPID ay kailangang piliin ang “Associa Pratica”. Isang paraan na lamang ang pahihintulutan simula Setyembre.
Pagkatapos, sa Menu ay maaaring pumili sa mga sumusunod:
- Visualizza stato della Domanda;
- Comunicazioni
Basahin din:
SPID, narito kung paano magkaroon