Kasabay ng banta ng Delta variant sa Europa ang patuloy na pagdami ng mga kaso nito tulad ng naging babala ng mga eksperto. Sa katunayan, ayon sa WHO, ang kaso ng Covid sa Europa ay tumaas ng 10% makalipas ang 2 buwang pagbaba sa bilang at pinangangambahan ang bagong wave “kung magpapatuloy ang maling pag-uugali ng mga mamamayan”.
Nagbabala ang WHO dahil 10% ang naging pagtaas ng mga kaso ng Covid makalipas ang 2 buwang pagbaba nito. Kinatatakutan na bago magtapos ang buwan ng Agosto, ang Delta variant ay tuluyang kakalat – dahil hindi pa kumpleto ang pagbabakuna ng populasyon – at ang panganib na mahawa ay nananatiling mataas pa rin. Bukod dito ang mga restriksyon sa mga bansa ay unti-unti nang natanggal – marami na ang nagbibiyahe sa ibang bansa at mga social gatherings ay unti-unti na ring nagbabalik. Samakatwid, ayon sa WHO, “mayroong sapat na kundisyon sa pagbabalik ng bagong wave ng hospitalization at bilang ng mga biktima bago ang autumn“.
Russia, nagtala ng 672 biktima ng Covid
Nagtala ang Russia sa ikatlong magkakasunod na araw ng mataas na bilang ng mga bagong kaso ng Delta variant. Ngayong araw, nagtala ng 23,543 bagong kaso sa huling 24 oras. Ang bilang ay tumaas ng 0.4%. Ang mga biktima ay 672.
UK, higit sa 26k ang mga bagong kaso ng Covid
Nagtala naman ng 26,068 bagong kaso ng Covid sa UK. Ito ang pinakamataas na naitala mula noong Jan 29. Ang mga biktima ay 14. Hanggang sa kasalukuyan, 84.9% ng mga matatanda ang nabakunahan ng unang dosis at 62.4% ang nakatanggap na ng parehong dosis.
Basahin din:
- Delta variant, kinatatakutan ang mabilis na pagkalat sa Europa ngayong Summer
- Delta variant, higit 18,000 kaso sa huling 24 oras sa UK. Sydney, lockdown ng dalawang linggo