Pinirmahan ng Presidente ng Konseho ng mga Ministro, Giuseppe Conte ang bagong dekreto na nagpapalawig ng mga preventive measures anti-covid. Ito ay ipatutupad hanggang September 7.
Ang bagong DPCM o Decreto del Presidente del Consiglio dei Ministri, ay naglalaman pa rin ng mga preventive measures anti-covid. Ito ang ipinapalit sa DPCM noong June 11, 2020, at extension naman ng DPCM ng July 14, 2020 at mananatiling balido hanggang September 7, 2020.
Ito ay mga minimal na preventive measures laban covid19. Ayaw nating lahat ng panibagong restrictions kung kaya’t higit na pag-iingat at responsabilidad ang ating hinihingi sa lahat”, Conte.
Ayon sa bagong DPCM, ang extension ng mga preventive measures ay kinakailangan sa posibleng ebolusyon ng sitwasyon, partikular upang maiwasan ang pagkalat ng epidemya at muling pagtaas ng mga bagong kaso sa bansa dahil na rin sa patuloy na pagdami ng mga active cases sa Europa.
Nananatiling ipatutupad ng social distancing ng atleast 1 metro. Patuloy ang pagsusuot ng mask sa mga saradong lugar o indoors, pati na rin sa mga public transportation, higit sa lahat kung saan ang social distance ay nagiging isang hamon para sa lahat. Ang mga bata, anim na taon pababa, pati na rin ang mga special children ay exempted sa obligadong paggamit ng mask.
Bukod dito, nasasaad din sa Dpcm ang pananatili sa sariling tahanan ng mga taong may lagnat, o may body temperature ng higit sa 37.5 at may respiratory infection tulad ng ubo at hirap sa paghinga ay kailangang makipag-ugnayan sa medico di base.
Simula Sept 1 ay pahihintulutan na ang pananatili ng publiko sa mga sports events ngunit hindi lalampas sa maximum na 1000 spectators kung outdoor at 200 naman kung indoor. Gayunpaman, ang presidente ng Rehiyon o Provincia ay maaaring magpatupad ng karagdagang preventive measures, batay sa suhestyon ng technical-scientific committee para sa gaganaping event. (PGA)