in

Bagong halaga ng Kontribusyon sa releasing ng mga permit to stay, lehitimo ayon sa Tar

Lehitimo at naaayon sa batas ang dekreto – kung saan ang Ministry of Economy, na sinang-ayunan ng Ministry of Interior – na ipinalit sa umiral na regulasyon sa loob ng anim na taon ukol sa halaga ng kontribusyon sa renewal o releasing ng mga permit to stay.

Ito ang naging desisyon ng TAR kung saan tinutulan ang reklamo ng Naga Onlus – Assciazione Volontaria di Assistenza Socio-Sanitaria e per I Diritti di Cittadini Stranieri, Rom e Sinti, na sumangguni sa European Court of Justice at itanong ang pagiging lehitimo ng bagong batas.

Sa katunayan ay tinanggihan ng TAR o Regional Administrative Court, ang reklamo ng Naga Onlus ukol sa bagong halaga ng kontribusyon para sa releasing ng mga permit to stay na simulang ipinatupad noong June 2017.

“Ang kontribusyon para sa releasing o renewal ay hindi buwis. Ito ay nauugnay sa layunin ng isang serbisyo na ibinibigay ng administrasyon sa kahilingan ng dayuhan“. Pinupunan lamang ng nasabing dekreto ang pagkukulang ng batas.

Bagay na hindi naging madali sa Regional Administrative Court.

Lahat ay nagsimula noong 2009 noong itaas ang kontribusyon sa permit to stay (mula 80 hanggang 200); ang probisyon sa regulasyon na ito ay unang ipinatupad sa pamamagitan ng Ministerial Decree noong Oktubre 2011.

Ang TAR noong 2014 ay lumapit sa European Court of Justice, upang masuri kung naaayon ang halaga ng kontribusyon sa batas ng Europa; at dineklara noon Setyembre 2015 na ang kontribusyon ay hindi naaayon sa batas ng EU at mga prinsipyo nito.

Gayunpaman, ang umiiral na normatiba sa kasalukuyan, ayon pa sa Naga Onlus, ay hindi rin umano tumutugon sa hatol ng korte ng Europa na kinikilala Court of Justice, at nananatili ang pagpapatupad nito at binawasan lamang ng kalahati ang halaga.

Ang kontribusyon sa issuance o renewal ng permit to stay ay hindi isang buwis. Ito ay nauugnay sa pagbibigay ng serbisyo ng administrasyon batay sa kahilingan ng dayuhan at naaayon sa pagganap ng Ministry of Interior na pagsusuring kinakailangan ng mga requirements ng dokumento”, ayon sa TAR.

Samakatuwid, ang “pagbabayad sa mga gastusin ng pagsusuri na binabayaran ng aplikante ay tunay na nasa desisyon ng batas, na batay sa tama at wasto, at sa kasong ito ay hindi lumampas sa limitasyon”.

Ayon naman sa pagiging lehitimo nito “Sa pagbabago ng halaga ng kontribusyon, ang Italya ay hindi lumihis mula sa mga indikasyon ng European Court of Justice at sa katunayan ay tumutupad na Council of State na hindi lumalabag sa konstitusyon tulad ng nasasaad sa reklamo”.

 

Basahin rin:

Magkano ang dapat bayaran sa renewal ng aking permit to stay?

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Malawakang kontrol sa Latina at Fondi: inspeksyon din sa tanggapan ng Commercialista

Decreto Flussi 2019, pirmado na!