Tila nalalapit na ang pinakahihintay na paglabas ng bakuna kontra covid19.
Ang bakuna ay halos nasa third at final phase na ng clinical trials para sa dalawang pharmaceutical companies.
Ito ay dalawang american companies, Moderna at Pfizer Inc na sinimulan na ang final phase ng bakuna sa halos 30,000 bolontaryo at inaasahan ang posibleng distribusyon nito sa merkado sa pagtatapos ng taong 2020.
Ang direktor ng National Institutes of Heakth (NIH) Francis Collins ang nag-anunsyo na nasa third phase na ang Moderna.
Ang clinical trials ay sinasabing umaabot hanggang 8 buwan. May tatlong yugto ang pagsasagawa ng clinical trials. Bawat yugto ay padami ng padami ang bilang ng tao na sasailalim sa trials hanggat umabot ng libo libo. Kailangan gawin ito upang masiguro ang pagiging epektibo at ligtas ng vaccine.
Kaugnay nito, ang bakuna na kasalukuyang sumasailalim sa clinical trials sa buong mundo ay 150 at lahat ng pharmaceutical companies ay nagsusumikap sa paglabas ng unang bakuna sa lalong madaling panahon. Pinaalala nila na ito ay hindi pwedeng madaliin, kahit na sinisikap nila ang lahat na magawa ito ng mabuti sa loob ng pinakamaikling panahon.
Sa katunayan, kahit ang Spallanzani sa Roma at Il Policlinico Rossi sa Verona ay magsisimula na rin sa clinical trials sa mga unang boluntaryo nito para sa Reithera, ayon kay Italian health minister Roberto Speranza.
Samantala, isang kasunduan sa pagitan ng AstraZeneca Plc, isang British drugmaker at IVA o Europe’s Inclusive Vaccines Alliance (IVA), na binubuo ng France, Germany, Italy at Netherlands, para sa supply ng 400 million doses ng bakuna na inaasahan hanggang sa katapusan ng taong 2020, sa pagtatapos ng clinical trials nito. Ito ay upang masigurado ang pagbibigay ng bakuna sa lahat ng member states ng Europa.
Sa kabila nito, hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin posible ang pagbibigay ng eksaktong panahon (petsa) ng paglabas ng unang bakuna kontra covid19. Ito ay dipende lahat sa magiging resulta ng clinical trials nito.
Kaya’t patuloy at patuloy ang paalala ng awtoridad na upang labanan ang covid19 sa kasalukuyan, ay kailangang gawin ng maayos ang paghuhugas ng kamay, pagsunod sa social distancing at patuloy na pagsusuot ng mask. (PGA)
Basahin rin:
Covid 19 Vaccine, kailan ba ito lalabas sa merkado?