Ang bisa ng bakunang Pfizer kontra Covid19 ay nababawasan makalipas ang 6 na buwan, mula 88% na naitala isang buwan pagkatapos ng dalawang dosis sa 47% pagkatapos ng 6 na buwan.
Gayunpaman, ang pagiging epektibo ng bakuna laban sa hospitalization sanhi ng lahat ng uri ng variant, kabilang ang Delta, ay nananatiling mataas o hanggang 90% sa loob ng 6 na buwan.
Ito ang resulta mula sa research na ginawa ng Kaiser Permanente at Pfizer, na inilathala sa ‘The Lancet’. Sa isang pag-aaral ay nadiskubre ng mga researchers na nababawasan ang effectivity ng bakuna marahil dahil sa pagbaba ng defense nito laban sa impeksyon sa paglipas ng panahon, ngunit hindi naman laban sa Delta variant.
Ayon sa mga eksperto, ang mga resultang ito ay mahalaga upang pataasin pa ang vaccination rate sa buong mundo at upang subaybayan ang pagiging epektibo ng bakuna sa paglipas ng panahon upang matukoy din kung sino ang dapat unahin para sa mga boosters.