in

Cashback, pansamantalang ihihinto. Cash refunds, matatanggap sa November 2021

cashback Ako ay Pilipino

Hindi maibibigay ang nakatakdang Cash refund ng programming Cashback ngayong buwan ng July para sa minimum na 50 transaksyon ng cashless sa unang 6 na buwan, mula January 1, 2021 hanggang June 2022.  Bagkus ang refund ay matatanggap hanggang November 30, 2021

Ito ay nasasaad sa decreto Lavoro na inaprubahan ng Konseho ng mga Ministro.

Bukod sa nabanggit, ang Cashback ay pansamantala ring ihihinto sa susunod na anim na buwan o mula July 1 hanggang December 31, 2021. 

Ang Cashback ay isang inisyatiba ng kasalukuyang gobyerno upang hikayatin ang mga consumers na magbayad hindi ng cash, bagkus sa pamamagitan ng cashless. Ito ay tumutukoy sa cash refund, na porsyento ng halagang binayaran ng cashless sa loob ng isang semester.

Ang Bonus ay matatanggap sa pagkakaroon ng minimum na 50 transaksyon sa isang semester o 6 na buwan. Ibibigay ang 10% refund, hanggang sa maximum na gastos na € 1,500. Ang maximum refund na itinalaga ay € 15,00 bawat transaksyon.

Pati ang Super Cashback ng € 1500.00 para sa unang 100,000 consumers na higit na gagamit ng electronic payment sa pamimili ay suspendido din katulad ng Cashback. 

Mahigit sa 8.9 milyong katao ang lumahok sa cashback sa pamamagitan ng pag-download ng App IO, na hanggang sa kasalukuyan ay nagsagawa ng higit sa 784 milyong mga transaksyon. Humigit-kumulang sa 5.9 milyong mga katao ang nagkaroon ng higit sa 50 transaksyon at samakatwid ay may karapatang makatanggap ng refund hanggang sa €150. 

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Ako Ay Pilipino

Pag-iisyu ng Green Pass matapos ang ikalawang dosis ng bakuna, pinag-aaralan

Bonus bollette 2021, narito ang mga dapat malaman