in

Day 2 ng Russian invasion, Kyiv nasa defensive phase na 

Kasabay ng pag-abante ng pwersa ng Russia ang pag-ulan ng mga missile sa Kyiv, ang kapital ng Ukraine.

Umalingawngaw muli ang raid air sirens sa ikalawang araw ng Russian invasion. 

Ayon kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky, hindi na sapat ang mga sanctions at nakiusap na sa international community na higit na ang gawin nito. Sa isang pahayag, sinabi ni Zelensky na alam niyang hangarin ng mga sundalong Ruso ang hulihin sya ngunit nangako ang president na mananatili sya sa Kyiv.

Kyiv, nasa defensive phase na

Samantala, handa na rin ang mga military vehicles ng Ukraine sa Kyiv, kung saan naninirahan ang humigit kumulang na 3 milyong katao, upang dumipensa sa mga dumadating na sundalong Ruso. Marami sa mga residente ang lumikas sa underground metro stations at sa ibang ligtas na lugar. 

Inanunsyo rin ni Kyiv Mayor Vital Klitschko na ang lungsod ay nasa ‘defensive phase’ na. 

Tinatayang aabot sa 100,000 katao ang mga lumikas mula sa mga pagsabog at putol ng baril na patuloy na yumayanig sa lungsod ng Kyiv. Dose-dosena na din ang naiulta na pinatay. 

Hawak na din ng mga sundalong Ruso ang Chernobyl. Ito ang dating nuclear power plant na nasa norte ng Kyiv. 

Kaugnay nito, may ilang ulat ukol sa pagko-kontrol umano ng mga Russian military sa paliparan sa labas ng Kyiv. Gumamit umano ang Russain air forces ng 200 helicopters para mag-land sa Hostomel at pinatay ang higit sa 200 sundalo ng special forces ng Ukraine. Nag-anunsyo din diumano ang Russian Defense Ministry na walang naming nasawi sa kanilang hanay. 

Mga bagay na itinanggi ng Ukraine at sinabi pang ang mga sundalong Ruso ang nagtamo ng mga casualties sa naging labanan. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Italya, handang magpadala ng 3,400 sundalo sa Ukraine 

State of Humanitarian Emergency, idineklara ng Italya