in

Delta variant, kalat na rin ba sa Italya?

Ako Ay Pilipino

Ayon sa pinakahuling ulat ng WHO, kumalat na ang delta variant sa higit 70 bansa at patuloy pa ang pagkalat nito sa  buong mundo.

Nag-aalala ang mga eksperto sa buong mundo dahil sa mabilis na pagkalat at mas mataas na contagiousness ng delta variant B.1.167.1 at B.1.167.2, kumpara sa nakaraang pag-mutate ng coronavirus.

Ang Delta variant ay may pambihirang katangian, ang pagkakaroon ng double mutant, ang E484Q at ang L425R. At dahil sa pambihirang katanigan nito ay higit na mabilis at malakas ang transmissibility nito. Ang dating variant B.1.671 (Indian variant) ay unang naitala noong Oct 5, 2020 sa India. 

Delta variant sa Italya

Naitala na rin ang Delta variant sa Italya. Gayunpaman, ang opisyal na datos sa sandaling ito ay nananatiling nangunguna pa rin ang English variant bilang mapanganib na variant sa bansa. 

Sa katunayan, ayon sa updated report ng ISS (Istituto Superiore di Sanità), ang presensya ng Delta variant ay halos 1% sa national level hanggang noong nakaraang katapusan ng Mayo. 

Ito ay tumutukoy sa kasalukuyan sa mababang bilang o kaso at hindi nakaka-apekto sa hospitalization at mortalily rate sa bansa. At ayon sa mga isinagawang sampol na nakolekta noong Mayo 18 mula sa unang mga infected, ang delta variant ay nasa pagitan ng 0 hanggang 3.4%. Ang pinakamataas na insidente na natagpuan sa Lombardia, Lazio, at Sardegna.  

Sa Lombardia ay naitala ang 81 kaso ng delta variant, kung saan 70 ang naitala mula May 9 hanggang June 14. Sa Puglia ay nagtala naman ng 25 kaso sa mga huling linggo. Gayunpaman, sa mga infected ay wala sinuman ang nagbiyahe sa labas ng bansa o may kaugnayan sa mga taong nagmula sa labas ng Italya. Samakatwid ang nasabing variant ay umiikot na sa bansa. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 6 Average: 4.2]

Iscrizione anagrafica, bakit ito mahalaga?

Mix Covid vaccines sa Italya, ang Circular ng Ministry of Health