Tuluyan ng ititigil sa Denmark ang paggamit ng AstraZenca sa programa ng pagbabakuna nito.
Ito ay unang inanunsyo ng TV2 na kinumpirma rin ng national health authorities.
Ang Denmark ay ang unang bansa sa Europa na unang nagsuspinde ng AstraZenica noong nakaraang March 11 dahil sa bihira ngunit malalang kaso ng thrombosis.
Ayon sa mga eksperto, ang programa ng pagbabakuna sa Denmark ay posibleng hindi makumpleto bago matapos ang taon dahil sa hindi paggamit ng AstraZeneca.
Basahin din:
- Bakuna Vaxzevria AstraZeneca laban Covid19, ang Circular ng Ministry of Health
- Bakunang AstraZeneca, gagamitin na ulit sa Italya