in

Digital Green Certificate, tuloy na tuloy na sa July 1

Ako Ay Pilipino

Inaprubahan na ng European Parliament ang regulasyon ukol sa paggamit ng Digital Green Certificate at samakatwid, tuloy na tuloy na ang pagsisimula nito sa July 1. Ang kilala rin sa tawag na Green Pass ay inaasahang magpapadali sa malayang pagbibiyaheng muli sa Europa at makakatulong sa unti-unting pagtatanggal ng mga restriksyon matapos ang krisis hatid ng pandemya.

Ang Green Pass, ang magpapatunay sa kumpletong bakuna kontra Covid19 (may bisa 14 na araw makalipas ang ikalawang dosis ng bakuna), o paggaling sa sakit ng Covid19 (sa pamamagitan ng negative covid test result, at ito ay may bisa makalipas ang ika-11 araw sa loob ng 180 days) o negative covid test result (ang molecular test ay balido ng 72 oras at ang rapid test ay balido ng 48 hrs). 

Ang sertipiko ay ibibigay nang libre o walang bayad ng mga national authorities. Ito ay maaaring digital o printed QR code. Ito ay 3 magkakaibang sertipiko – bakuna, paggaling at negative covid test. Magkakaroon ng common EU framework upang ang mga certificates ay maging interoperable at maaaring masuri sa anumang bansa sa EU. Ito ay upang mapangalagaan ang mga sertipiko at maiwasan ang anumang uri ng palsipikasyon. 

Ang bagong sistema ay magsisimula sa July 1, 2021 at mananatiling may bisa ng 12 buwan. Ang sertipiko ay hindi isang kondisyon sa malayang pagbibiyahe sa Europa at hindi rin ito maituturing na isang travel document

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Halalan ng Commissione Stranieri sa Padova. Narito kung sino at paano boboto.

Kilalanin ang mga kandidatong Pilipino bilang kinatawan sa Commissione Stranieri sa Comune di Padova