Nalalapit na ang paglabas ng european green pass matapos umabot sa isang kasunduan ang EU Parliament, Committee at Council ukol sa european digital Covid certificate. Layunin nito ang mapabilis ang muling pagbibiyahe ng mga Europeans ngayong summer vacation.
“Isang mahalagang hakbang upang maibalik ang free circulation ng mga mamamayan ng ligtas”, ayon kay EU Health Commissioner Stella Kiriakides.
Binigyang diin naman ni EU Justice Commissioner Didier Reynders, ang mabilis at maituturing na record sa pagkakaroon ng kasunduan. “Ito ay upang mapangalagaan ang malayang pagbibiyahe sa Europa ng mga Europeans”.