Bumababa na ang bilang ng mga kaso sa simula July sa Africa, Middle East at Southeast Asia. Tanging sa Europa na lamang dumadami ang mga biktima ng Covid19. Ito ay ang ikapitong magkakasunod na linggo kung saan ang bilang ng mga kaso ng Covid19 ay tumataas sa Europa.
Ang mga namatay dahil sa Covid-19 sa Europe ay tumaas ng 5% kumpara noong nakaraang linggo. Ito ay nagreresulta bilang tanging rehiyon sa mundo kung saan tumataas ang mortality rate dahil sa coronavirus. Ito ay ayon sa World Health Organization (WHO). Naitala ang higit sa 3.3 milyong bagong kaso ng Covid19 at 2.2 milyon nito ay naitala sa Europa.
Sa weekly report, kinumpirma ng WHO na noong nakaraang linggo ang mga datos na naitala ng coronavirus sa lahat ng rehiyon maliban sa Europa ay bumaba o nanatiling stable. Ayon pa sa WHO, ang pagkalat ng virus ay bumababa na sa Africa, Middle East at South East Asia. Sa Europa, ang pagkalat ng virus ay higit na naitala sa Russia, Germany at UK. Habang ang bilang ng mga biktima naman ay tumaas ng 67% sa Norway at 38% sa Slovakia.
Ito ay ang ikapitong magkakasunod na linggo kung saan ang bilang ng mga kaso ng Covid19 ay patuloy na tumataas sa Europa, kasama ang Russia. Habang 60% ng mga Europeans ay bakunado laban sa Covid, halos kalahati lamang ang bakunado sa silangang bahagi ng kontinente.
Europe, epicentre ng pandemic
Matatandaang sinabi ng WHO na ang Europa ang epicenter ng pandemic ngayong taon. Nagbabala pa ito sa posibilidad na umabot sa 500,000 ang mga biktima hanggang Enero dahil sa kawalan ang kaukulang aksyon.
Noong nakaraang linggo ang Austria, Netherlands at ibang bansa ay muling nagpapatupad ng restriksyon tulad ng curfew. Ito ay dahil sa pagnanais na hadlangan ang pagkalat muli ng covid. Sa UK naman ay nagsimula ang kampanya ukol sa booster shot para sa mga over40s.