Ang World Health Organization (WHO) at European Medicines Agency (EMA) ay nagpahayag ng pangamba ukol sa bilis muli ng pagkalat ng pandemya sa Europa. Nasa fourth wave na ng pandemic ang Europa.
Nagpahayag ng pangamba ang World Health Organization sa bilis muli ng pagkalat ng pandemya sa Europa. Tinatayang mula ngayon hanggang sa Pebrero ay posibleng magtala muli ng isa pang kalahating milyong katao ang biktima sa Lumang Kontinente.
“Muli, ang Europa ang epicenter ng pandemya”, ayon sa Direktor ng WHO para sa Europa, Hans Kluge. “Ang kasalukuyang bilis ng impeksyon sa 53 mga bansa sa Europa ay naghahatid ng pangamba,” ayon kay Hans Kluge sa isang press conference.
Aniya, inaasahang isa pang kalahating milyong katao ang posibleng mamatay mula sa covid-19 hanggang sa Pebrero kung ang kasalukuyang trend ay magpapatuloy.
“Ang epidemiological situation ng Covid sa Europa ay lubhang nakababahala. Napakahalaga na ang lahat ay mabakunahan, dahil walang sinuman ang protektado hangga’t hindi lahat ay may proteksyon. Kailngang sundin pa rin ang mga health protocols.”
Nasa fourth wave na tayo ng pandemic”.
Ito ang sinabi ni Marco Cavaleri, vaccines manager ng European Medicines Agency, sa isang press conference. “Inirerekomenda namin ang third dose para sa mga immunosuppressed na pasyente at hindi excluded sa kategoryang nabanggit na maaaring kailanganin ang fourth dose”, dagdag pa ni Cavaleri.
Samantala, ang panahon para sa approval ng EMA sa anti-covid na gamot na molnupiravir na binigyang pahintulot sa UK ay hindi pa masasabi sa ngayon. Gayunpaman, ayon sa EMA, ang ahensya ay available magbigay tulong sa mga bansang nais na gumamit nito bago pa man lumabas ang pahintulot.