Walang anumang pagtaas sa halaga ng kontribusyon sa Inps ng mga colf, babysitters at caregivers sa taong 2021. Ang halaga ng kontribusyon ay nananatiling katulad ng taong 2020.
Ito ay kinumpirma ng Inps sa pamamagitan ng Circular no. 9 ng Jan 25. Ang table na inilathala ng Inps, na katulad noong nakaraang taon, ay balido mula January 1, 2021 hanggang December 31, 2021.
Bukod dito, ipinapaalala sa mga employers na ang susunod na due o deadline ng pagbabayad ng kontribusyon ay sa April 10, 2021, para sa mga buwan ng January, February at March 2021.
Simula Enero 2021, ay kailangan ding bayaran ang Cassacolf (codice F2). Ang bagong halaga nito ay 0,06 (mula 0,03) kada oras ng trabaho. Ito ay nasasaad sa ni-renewed na CCNL sa sektor noong nakaraang Sept. 8, 2020.
Basahin din:
Mula kahapon ay posible ring bayaran ang kontribusyon para sa mga ‘cessioni’ o pagtatapos ng employment mula Jan 1-21, 2021 na, na ‘nasuspinde’ dahil sa paghihintay na ilathala ang bagong halaga ng kontribusyon para sa taong 2020.
Ang regulasyon ay hindi napapalitan: sa kaso ng licenziamento o dimissioni – pagtatanggal sa trabaho o pagre-resign ng worker, ay kailangang bayaran ang employer ang kontribusyon sa loob ng sampung araw makalipas ang ‘cessione’. (PGA)