in

Higit 3M euros para sa internet connection ng mga mag-aaral sa Regione Lazio

ako-ay-pilipino

Nagdesisyon na ang Regione Lazio na harapin ang digital problem ng mga Istituti at mag-aaral at maglalaan ng 3M euros para sa internet connection. Ito ay matapos magtala sa Rehiyon ng mataas na bilang ng kaso ng Covid sa mga mag-aaral mula ng buksan ang eskwela.  

Parami ng parami ang kaso ng Covid-19 sa mga mag-aaral sa Lazio Region. Naitala ang higit sa 3,700 mga kaso ng positibo sa mga paaralan sa Lazio simula ng magsimula ang eskwela noong Sept 14 hanggang sa kasalukuyan, kasabay ng pagtaas ng mga infected sa buong bansa. Dumadami din ang bilang ng mga Istituti na pinili ang higitan ang nilalaman ng pinakhuling DPCM sa DAD o Distanza a Didattica simula 75%

Kaugnay nito, bagaman naantala, nagdesisyon na ang Regione Lazio na harapin ang digital problem na tinatalakay sa mga Istituti sa kasalukuyan. Sa katunayan, maraming paaralan ay nagsusuri sa pagkakaroon ng mga paaralan at mag-aaral ng digital instrument tulad ng personal computer o anumang device at mahusay na internet connection. 

3 milyong euros ang ilalaan ng Regione Lazio para sa internet connection ng mga mag-aaral ng Lazio”, kumpirma ni Nicola Zingaretti, ang gobernador ng Lazio Region kasabay ang anunsyo sa nalalapit na paglabas ng bando. 

Ang bando ay ilalathala hanggang sa susunod na linggo, upang palakasin ang internet connection sa mga Istituti at mga High Schools at mapahintulutang mabayaran ang subscription ng mga mag-aaral”. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Conte-Ako-ay-Pilipino

Karagdagang preventive measures sa susunod na DPCM, inilahad ni Conte ngayong araw

Click day ng bonus bici, simula na ngayong araw