Ilang araw na lamang bago tuluyang magtapos ang Regularization o Emersione, sa domestic, agriculture at assistance to person sectors na nasasaad sa artrikulo 103, talata 1 ng decreto legge n. 34 ng May 9, 2020, na nagsimula noong nakaraang June 1, 2020.
Ayon sa ulat ng Ministry of Interior noong July 31, 2020, nasasaad ang pangunguna sa bilang ng mga aplikasyon para sa domestic job at assistance to person na kumakatawan sa 87% (128,719) ng kabuuang bilang ng mga aplikasyona tapos at kumpleto na at 75% (8,598) ng mga aplikasyon na ‘in lavorazione’ o tinatapos pa lamang. Samantala ang subordinate job naman ay kumakatawan sa 13% o 19,875 ng mga tapos na aplikasyon at 25% (2,799) naman para sa mga ‘in lavorazione’. Ang average number ng mga aplikasyon sa huling 15 araw ay tinatayang nasa 2,400 kada araw at umaabot naman hanggang 3,400 kung midweek.
Basahin din: Regularization 2020: Mga aplikasyon, umabot sa 160,000 hanggang July 31
Para sa sinumang nais o nangangailangan ng karagdagang impormasyon at legal advice ukol sa proseso ng Regularization, ipinapaalala namin ang libreng serbisyo mula sa app Migreat para sa mga android devices. Sa app ay matatagpuan ang legal guides, forum kasama ang mga experts, balita, free legal consultation at chat sa ibang mga miyembro ng community.
Focal point ng maliit ngunit mahalagang rebolusyong ito ay ang posibilidad na makatanggap ng libreng legal advice sa tulong ng isang team ng mga eksperto sa pangunguna ni Federica Merlo, isang abugado at eksperto sa migrasyon. Sa kasalukuyan, may humigit kumulang ng 100 users na ang nag-download ng app at matagumpay na nakatanggap ng sagot sa kanilang mga katanungan, salamat din sa interactive questionnaire ukol sa Regularization.
Paano magagamit ang app? Simple lamang! I-download ito at I-install sa inyong smart phones at pillin ang wikang nais. Mula dito ay maaari ng ma-browse at mapili ang kailangan, tulad ng LEGAL GUIDE na matatagpuan sa ibaba ng tab Community. Maaari ring basahin ang mga katanungan ukol sa Regularization o maaari ring ikaw mismo ang magbigay ng katanungan.
Ipinapaalala na ang mga aplikasyon ay maaaring ipadala online ekslusibo sa website ng Ministry of Interior sa link na ito. https://nullaostalavoro.dlci.interno.it/.
Basahin din: Bagong app Migreat – Stranieri in Italia, online na!