in

1,000 euros, nanatiling maximum amount ng remittance mula Italya

Dapat sana’y tumaas sa 3,000 euros dahil sa stability bill ngunit pinalitan kamakailan upang maiwasang sa likod ng remittances ng mga imigrante ay maitago ang “money laundering at pondo ng terorismo”

Roma, Nobyembre 19, 2015 – Nananatiling 1,000 euros ang maximum amount na maaaring ipadala ng mga dayuhan sa sariling bansa. Mataas ang panganib na sa pamamagitan ng mga money transfer, kasama ng inipong pera ng mga mangagawang dayuhan sa Italya ay umikot ang maruming gamit dito.

Inaasahang ang limitasyon sa pamamagitan ng stability bill 2016 na inaprubahan ng gobyerno at kasalukuyang nasa pagsusuri ng Senadao ay tumaas. Sa katunayan, itinaas nito hanggang 3,000 euros ang limitasyon sa pagbabayad na maaaring gawin ng cash o ‘contanti’, na walang anumang exemption, at dapat sana’y kasama pati ang money transfer o remittance.

Ngunit, ilang araw pa lamang ang nakakalipas, ang Budget Committee ng Senado ay inaprubahan ang isang susog na isinulong ni Magda Zanone ng PD at Federica Chiavaroli (Ap) kung saan nasasaad ang pananatili ng 1,000 euros bilang maximum amount sa mga money transfer. Itinuturing na isang “kinakailangang desisyon dahil sa mataas na panganib ng money laundering at pondo ng terorismo”.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Finger print pati sa mga menor de edad, obligado sa bagong permit to stay

Total deduction ng gastos sa domestic job, hangad ng Assindatcolf