in

1.11 bilyong euros, natipid ng Inps dahil sa epekto ng Covid

Ayon sa datos mula sa Italian Social Security o INPS, humigit-kumulang na 1.11 bilyong euros ang natipid ng tanggapan para sa taong 2020 at inaasahang aabot pa sa 11.9 bilyong euros sa loob ng sampung taon. 

Ang matinding epekto ng Covid19 sa pagkamatay ng mga matatanda sa Italya ay naging sanhi ng malaking halaga para sa kaban ng INPS. 

Napakalaking halaga na hindi napapansin dahil karaniwang lumalabas lamang mula sa Inps bilang gastusin”, komento nila Domenico Proietti, ang UIL confederal secretary at Carmelo Barbagallo, general secretary ng mga pensioners ng confederation. 

Bukod dito, ang halagang nabanggit ang magpapahitulot na maisakatuparan ang matagal nang isinusulong ng UIL sa pangangailangang i-assess ang halaga ng pensyon upang mabawi ang maraming taong hindi pag-a-update sa halaga nito pati na rin ang hindi pagbibigay ng 14th month o quattordicessima hanggang € 1500.00. 

Anila “ito ay upang magbigyan ng konkretong suporta ang milyun-milyong mamamayan na naging haligi ng mga pamilya sa Italya sa panahon ng krisis”.

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 4]

Super Green Pass, mandatory sa workplace para sa mga over50s

Green pass, kailan tatanggalin sa Italya?