Isang aksidente kaninang madaling araw sa Circonvallazione Clodia: 6 na kabataang Pilipino sakay ng isang Ford Ka ang biktima ng pagmamaneho sa ilalim ng impluwensya ng alkohol
Rome – Isang trahedya muli sa Kabisera ng Roma, sa kasamaang palad, ay mga kabataang Pilipino na naman ang biktima dulot ng pagmamaneho sa ilalim ng impluwensiya ng alkohol.
Ang aksidente ay naganap bandang alas dos kaninang madaling araw, Agosto 10, sa Circonvallazione Clodia. Matapos marahil ng isang pagkakamali ng driver, ayon sa mga nakasaksi ng pangyayari, ay nakitang tumatakbo ng matulin ang Ford ka sa side walk na syang nakasira ng ilang sign boards at pagkatapos ay bumangga ito sa dalawang puno bago ito bumangga sa isang van na naka park. Pagkatapos ito ay umikot at bumaligtad na naging dahilan ng pagpanaw ng driver nito.
Kaagad na sumaklolo ang Vigili del Fuoco at ang Polizia Municipale at isinugod naman ng 118 na may ‘codice rosso’ ang mga kabataan sa mga pangunahing ospital ng lungsod: San Filippo, Santo Spirito, San Carlo,San Camillo at Gemelli.
Ang limang kabataan na nakaligtas sa aksidente, ay kasalukuyang nasa malubhang kondisyon.