in

1 sa bawat 2 colf, hinihingi ang anticipo tfr taun-taon

Ayon sa ulat ng Sole 24 kamakailan, kalahati ng bilang ng mga domestic workers ay hinihingi taun-taon ang trattamento di fine rapporto o tfr, mas kilala sa tawag na separation pay. Karaniwan umanong hinihingi ang anticipated separation pay o anticipo tfr sa buwan ng Disyembre, kasabay ng 13thmonth pay o tredicesima.

Ang tredicesima o 13thmonth pay, lalong kilala bilang Christmas bonus ay ibinibigay hanggang katapusan ng buwan ng Disymebre, tulad ng nasasaad sa artikulo 38 ng national collective contract on domestic job.

Ang trattamento di fine rapporto o tfr o separation pay ay karaniwang ibinibigay sa pagtatapos ng employment. Ngunit sa kaso ng domestic job, nasasaad sa artikulo 40 ng national collective contract, ito ay maaaring ibigay ng maaga ng employer kung hihingin ng worker, isang beses sa isang taon at hanggang 70% ng halaga nito.

Ito ay isang regulasyon na nakalaan lamang sa sektor ng domestic job na naiiba sa general rule ng tfr na itinalaga ng civil code. Sa katunayan, ayon dito, ang tfr ay maaaring hingin in advance sa pagsapit ng ika-8 taong serbisyo sa parehong employer at dahil sa partikular na dahilan tulad ng heath expenses o malakihang gastusin tulad ng pagbili ng bahay.

Samantala, sa domestic job ay maaaring hingin taun-taon ang 70% ng tfr.

Ang halaga nito ay higit na mataas sa kaso ng live-in o convivente. Sa katunayan, 51.2% ng mga caregiver na live-in ang taunang hinihingi ang tfr, na may average amount na €820,00. Samantala, sa kaso naman ng babysitter na live-in ay karaniwang umaabot sa 52% ang humihingi nito na umaabot sa average amount na €750,00. Ang mga colf na live-in naman ay umaabot sa 44% ang humihingi nito na mayroong average amount na € 730,00.

Ang halaga ng tfr ay bumababa naman kung part time lamang ang trabaho ng worker. May 45.8% ng mga part timer na colf ang humihingi ng anticipo tfr sa average amount na €330,00; 51.3% naman ng mga baby sitter na may halagang €550,00 at 46% naman ang mga caregiver sa halagang € 550,00.

Gayunpaman, ang pagbibigay ng anticipo tfr sa worker ay isang paraan ng pagtulong sa employer na hindi umabot sa malaking halaga kung ibibigay sa pagtatapos ng employment. Bukod dito ay maiiwasan din ang anumang hindi pagkakaunawaan o demandahan.

Sa katunayan, ayon kay Teresa Benvenuto, ang secretary general ng Assindatcolf: “Upang maiwasan ang pagbibigay ng malaking halaga sa pagtatapos ng employment, ay aming ipinapayo sa mga pamilya na ibigay ang tfr sa mga colf taun-taon. At bilang nakakaugalian na, ang tfr ay ibinibigay din sa buwan ng Disyembre, kasabay ng 13thmonth pay”.

Basahin rin:

TFR o liquidazione, paano kinakalkula?

Anticipated separation pay ng mga kasambahay, maaari ba? Paano?

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

OFW Watch Italy, nagdaos ng ika-4 na anibersaryo sa Modena

Pagtatanggal ng pondong nakalaan para sa health assistance ng mga dayuhang hindi nakatala sa SSN, isinusulong ng gobyerno