Sa Italya, halos 1 sa bawat 5 kaso ng Covid19 (ang 17.8%) ay positibo sa UK variant. “Sa kasamaang palad ay posibleng lumaganap pa ito sa mga darating na buwan“, babala ng Istituto Superiore di Sanità.
Ang unang 3 kumpirmadong kaso sa Milano, ang pagputok ng mga kaso sa Umbria na naging dahilan ng lockdown sa kalahati ng rehiyon, at ang mga swab tests na kinailangang gawin sa mga paaralan sa Marche ay ilan lamang sa dahilan ng pagbabanta ng ISS o Istituto Superiore di Sanità.
Ang mga datos ay mula sa ginawang survey sa mga Rehiyon noong Feb 3 at 4. Nagbabala ang mga tekniko na kinakailangan ang maingat na pagbabantay upang mahadlangan ang mga posibleng epekto ng bagong variant habang nagpapatuloy sa pagbabakuna, na nananatiling epektibo kahit laban sa mutated virus.
May kabuuang bilang na 852 samples sa 82 laboratories mula sa 16 na rehiyon at PA. Ang resulta ay nasa linya ng mga ginawang survey sa Europa: sa France ay 20-25%, sa Germany ay 30%. Sa Italya, halos 1 sa bawat 5 kaso ng Covid19 (ang 17.8%) ay positibo sa UK variant.
“Sa kasamaang palad ay posibleng lumaganap pa ito sa mga darating na buwan“, babala ng Istituto Superiore di Sanità.
Kasalukuyang kinakatakutan ang UK variant dahil higit na nakakahawa na posibleng magpupuno sa mga ospital. Ayon pa sa ISS, ang virus ay patuloy ang mutation at marami na ang mga na-isolate na virus kahit pa ang malaking bahagi nito ay mayroong katulad na katangian ng virus. (PGA)