Kasalukuyang may 1049 katao sa bansa ang positibo sa covid-19. Ito ang inanunsyo ni Coronavirus Emergency Commissioner Angelo Borrelli, sa pinakahuling ulat ngayong araw, Feb. 29, 2020, alas sais ng hapon.
Ang nabanggit ay mula sa kabuuang bilang na 1128 katao na nag-positibo sa virus:
615 – Lombardia,
217 – Emilia-Romagna,
191 – Veneto,
42 – Liguria,
13 – campania;
11 – Piemonte,
11 – Toscana,
11 – Marche,
6 – Lazio,
4 – Sicilia,
3 – Puglia,
2 – Abruzzo,
1 – Calabria
1 – Bolzano.
May 401 katao ang kasalukuyang mga nasa ospital at nakakaramdam ng sintomas, 105 katao ang nasa Intensive Care Unit (ICU) habang 543 katao naman ang sumasailalim sa home isolation o nananatili sa kani-kanilang tahanan, halos walang sintomas bagaman nag-positibo sa virus.
Samantala, 50 katao naman ang gumaling na at 29 katao naman ang sa kasamaang-palad ay binawian ng buhay. Halos lahat ay may edad na at may naunang karamdaman bago tamaan ng virus. (ni: PGA)