in

1090 non-European Athletes, makakapasok sa Italya para sa Championship 2019-2020

Para sa Championship 2019-2020 ay pinahihintulutang makapasok sa bansa ang kabuuang bilang na 1090 non-European athletes para sa sports bilang pangunahing propesyon. Ang bilang na nabanggit ay hahatiin sa mga sports federation sa bansa.

Ito ang mababasa sa DPCM na nilagdaan noong nakaraang Hulyo 23, 2019 ni Undersecretary Giancarlo Giorgetti.

Ang mga non-European athletes ay kasama sa tinatawag na “fuori quota” ng yearly decreto flussi per lavoro subordinato o autonomo. Ito ay nasasaad din sa aritikolo 27, talata 5-bis ng DLGS. 286/1998. At ngayong taon, ang bilang o quota ay ayon sa indikasyon ng Comitato Olimpico Nazionale Italiano o CONI.

Gayunpaman, ang bilang na 1090 ay hahatiin sa iba’t ibang pederasyon.

Bukod sa pagpasok ng mga athleta sa bansa, ito ay mahalaga din para sa pagbibigay ng kontrata sa mga atleta na nasa bansa na ay mayroong permesso di soggiorno per sport, lavoro o motivi familiari.

Para sa buong proseso, i-click lamang ang Circular ng CONI.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

26-anyos na Pinay, inatake sa puso habang sakay ng tren

29-anyos na Pinay, nabundol habang tumatawid ng kalsada sa Roma