in

12 Rehiyon ng Italya, nasa ilalim ng zona arancione hanggang Jan. 31

12 Rehiyon ng Italya sa zona arancione Ako Ay Pilipino

Simula Jan 17 hanggang Jan 31, ay nasa ilalim ng restriksyon ng zona arancione ang 12 rehiyon ng bansa.

Ito ay ang Abruzzo, Emilia Romagna, Lazio, Liguria, Piemonte, Puglia, Calabria, Umbria, Valle d’Aosta, Veneto, Friuli V.G. at Marche

Tandaan ang zona arancione ay naglalarawan ng mataas na lebel ng panganib. Bahagya ngunit mahalaga ang pagkakaiba nito sa zona rossa. 

Narito ang mga dapat tandaan sa zona arancione:

  • Ang paglabas ng bahay ay may pahintulot lamang sa sariling Comune kung ang dahilan ay trabaho, kalusugan at mga pangangailangan mula 5am hanggang 10pm,
  • Ang pagbalik sa sariling bahay ay may pahintulot,
  • May pahintulot ang magpunta sa simbahan o anumang lugar ng pagsamba,
  • Ang pagbisita o pagtanggap ng bisita ay pinahihintulutan. Sa kundisyon ng isang beses sa maghapon at hanggang 2 katao lamang. Ang mga bata hanggang 14 anyos at may kapansanan ay hindi kasama sa bilang. Ito ay may pahintulot kahit sa ibang Comune basta’t sa parehong Rehiyon lamang;
  • May pahintulot ang pagpunta ng ibang Comune kung ang populasyon ay hindi lalampas ng 5,000 residente at ang distansya ay hindi lalampas ng 30km at hindi pupunta sa capoluogho ng provincia.

Bukod sa mga nabanggit ay:

  • Bukas ang lahat ng shops at commercial activities,
  • Sarado ang mga malls o centri commerciali tuwing weekend (pre-festivi at festivi) ngunit bukas sa loob nito ang supermarket, pharmacy, tabaccheria at newspaperstand;
  • Sports activity sa outdoor ngunit indibidwal;
  • Physical activities na malapit sa bahay;
  • Ang mga bar at restaurants ay bukas for take out lamang hanggang 6pm. Ipinagbabawal na rin makalipas ang 6pm ang take out sa mga bar sa bagong DPCM. 
  • Ang deliveries ay pinahihintulutan;
  • Huwag kalimutan ang magdala ng Autocertificazione at kopya ng balidong dokumento o pagkakakilanlan.

Tandaan, ayon sa DPCM ng Jan 14, ang lahat ng mga rehiyon ay dapat sumunod sa mga sumusunod na preventives measures, anuman ang klasipikasyon nito.

  1. Ipinagbabawal ang paglabas at pagpunta sa ibang rehiyon. 
  2. Ang curfew mula 10pm hanggang 5am,
  3. Tanging ang dahilan ng trabaho, kalusugan at pangangailangan lamang ang pinahihintulutang dahilan ng paglabas ng Rehiyon at sa oras ng curfew. Palaging pinahihintulutan ang pagbalik sa sariling tahanan kung saan opisyal na residente at kung saan naninirahan o domiciliato. Ang mga nabanggit ay patutunayan sa pamamagitan ng Autocertificazione.
  4. May pahintulot isang beses sa maghapon ang pagbisita sa miyembro ng pamliya o kamag-anak mula 5am hanggang 10pm hanggang dalawang katao lamang na non-conviventi. Ang mas bata sa 14 anyos at may kapansanan ay hindi kasama sa bilang.
  5. Mahigpit ang rekomendasyon na manatili sa sari-sariling bahay sa malaking bahagi ng maghapon at iwasan ang paggamit ng public at private transportation, maliban na lamang kung kinakailangan. 
  6. Sa DPCM ng Jan 14 ay pinahihintulutan ang pagpunta sa ikalawang bahay kahit nasa ibang rehiyon. (PGA)
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinoy pagnanakaw arestado Ako Ay Pilipino

45-anyos na Pinoy na suspek sa pagnanakaw, arestado sa Roma

Pinay nurse nabakunahan na laban Covid19 Ako Ay Pilipino

Pinay nurse sa Florence, nabakunahan na laban Covid19