in

12 Supermarkets, ipinasara dahil sa paglabag sa anti-Covid19 health protocols

Agaran ang naging pagpapasara sa 12 supermarkets sa Italya at binigyan ng malaking multa sa naging paglabag sa anti-Covid19 health protocols.

Muling nagsagawa ng malawakang pagsusuri ang mga Carabinieri Nas sa mga supermarket sa buong bansa upang matiyak ang wastong pagpapatupad ng mga anti-Covid19 health protocols.  May kabuuang bilang na 981 ang mga commercial acitivities na sumailalim sa pagsusuri at 18% o 173 ng mga ito ang napag-alamang hindi nakakasunod sa mga regulasyon.  

Tulad ng naging resulta ng ginawang pagsusuri sa mga public transportation,  kahit sa pagkakataong ito ay nakakita rin ng traces ng covid19 sa mga carelli, cestini, keyboard para sa pagbabayad sa ATM at POS, mga timbangan ng mga prutas at gulay at iba pa. Kumpirmado din ang kakulangan ng mga impormasyon ukol sa tamang pag-uugali tulad ng maximum na bilang ng mga tao sa loob ng commercial activity, social distancing sa pagbabayad sa cashier at ang hindi paggana ng mga disinfectant refeler. 

Sa tulong ng Asl, ARPA (Agenzia Regionali di Protezione Ambiente), IZS (Istituti Zooprofilattici Sperimentali del Ministero della Salute) at unibersidad ay naisagawa ang mga kinakailangang pagsusuri at inspeksyon.

Agaran ang naging pagpapasara sa 12 supermarkets at binigyan ng malaking multa sa naging paglabag

Ang mga supermarkets kung saan nakita ang traces ng virus ay natagpuan sa Roma, Latina, Frosinone, Grosseto, Terni, Salerno at Catania pati na rin sa ilang provincia sa Parma, Perugia at Cagliari”.

Sa ginawang inspeksyon ng Carabinieri Nas ay nadiskubre din ang kakulangan sa kalinisan at wastong disinfection, hindi pagsunod sa mga health protocols na humantong sa agarang pagsasara sa 12 supermarkets, kung saan 3 ang lumabag sa anti-covid preventive measures, at nakumpiska din ang higit sa 2,000 kg ng mga pordukto na hindi angkop na konsumo. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Regional Champion sa swimming sa Reggio Calabria, isang dalagitang Pinay

Ano ang pagbabago sa validity ng Permesso di Soggiorno UE?